top of page
BIDA - “NOT TODAY SATAN” TOTE BAG NA IFINLEX NI DENNIS, SOLD OUT KAHIT MAHAL_IG _dennistri

May ambag daw sa bansa… MARIAN, PROUD SA “NATATANGING TAXPAYER” AWARD

Writer: BULGAR
BULGAR
46 minutes ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 3, 2026



WINNER - MARIAN, PROUD SA “NATATANGING TAXPAYER” AWARD_IG _marianrivera

Photo: IG _marianrivera



Kinilala si Marian Rivera bilang isa sa mga ‘Natatanging Taxpayers’ ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office (RDO) No. 41 in Mandaluyong City noong Huwebes, October 1.


Ibinahagi ni Marian sa kanyang Instagram (IG) ang pasasalamat sa pagkilala ng BIR. Ipinost ng aktres ang ilang larawan during the recognition ceremony, at sa caption ay inilagay niya ang “#PagkilalasaNatatangingTaxpayer”.


Kasama rin sa IG post ni Marian ang larawan ng trophy na ibinigay sa kanya ng BIR.

Nakasaad sa trophy ang ganito, “For being one of the Top Taxpayers of RDO No. 41 - Mandaluyong City and for your invaluable contribution to the District's successful achievement of its revenue collection target for the First Semester of 2026.”


Feeling very grateful and honored daw si Marian na matanggap ang ganitong recognition.


“Para sa akin, higit sa award, fulfilling malaman na sa simpleng pagtupad natin ng responsibilidad bilang taxpayer, may naiaambag tayo sa ating bansa at sa kapwa natin Pilipino. It’s something I’m truly proud of,” sey ni Marian.


Payo pa ng aktres sa publiko, ang pagbabayad daw ng buwis ay responsibilidad nating lahat. At bawat kontribusyon ay mahalaga, maliit man o malaki.

True!





Co-hosts, pinag-iingat sa jokes…

VICE SA MGA BASHERS: GOOD VIBES NA LANG!



BUMANAT si Vice Ganda ng positive vibes sa It’s Showtime (IS). 

Dapat nga naman, good vibes lang all the way para ang October ay okay na okay!


Sabi ni Vice Ganda, “Sensitive kayong lahat. Magbiro lang, galit kayong lahat. Konting kibot, bash kayo agad.” 


Kaya naman, paalala niya sa mga kasamahan, mag-ingat sa mga jokes na binibitawan.


Oh, ‘di ba? Walang malulumbay kapag kasama ang IS family dahil ang tawanan sa show, unli, mga bhie!


Basta sa fake news, huwag agad maniwala. Alamin muna ang totoo bago makisabay at mag-share ng balita.


Heto ang hindi fake news. Maraming baon sa talakan ang Miss Q&A candidates of the day na sina Markus Angelo Lasona, Stacey Cruz Santillan, at Janna Felices. Pasok sa banga ang chukchak, mga ses!


Ang puso ng madlang people, nasungkit ni Markus. Pero hindi sapat ang charisma para umabante sa next round. Sina Stacey at Janna ang umalagwa at sa Wit Lang ay nag-face off silang dalawa.


Pinaglaruan ni Stacey ang nabunot niyang tanong na konektado sa pagiging fur mom niya, “Mapa-proud ka ba kung habulin ka ng mga lalaki pero lahat aso?” 


Hirit ni Meme, matatalino na talaga ang mga aso sa panahon ngayon.

Relate naman sa kuda ni Meme tungkol sa fake news ang talak ni Janna sa tanong na, “Kung maraming mata ang mata, bakit ‘di mo ‘to gawing CCTV?”


Hindi na kailangan ng CCTV dahil buong nation ang nakakita how she slayed. Si Janna ang kinoronahan bilang Miss Q & A Reyna Talak-Era of the day.


Good vibes at pag-asa ang hatid ng It’s Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page