top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Todo-paendorso kay P-Du30… NETIZENS KAY ISKO: DESPERADO, AMBISYOSO, TRAPO, BAGAY TALAGA SA BASURA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 01, 2021





Ngayong December 1 ang pagbubukas sa mga sinehan ng biopic ni Manila Mayor Isko Moreno, ang Yorme: The Isko Domagoso Story.


Kaya parang ang wrong timing naman ng kumalat na statement kahapon ng alkalde tungkol sa paghingi niya ng endorsement kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2022 national elections.


May netizen na nag-post sa Twitter ng naging statement ni Yorme Isko at may caption itong:


"May nag-a-apply na ng endorsement ni Duterte. LUMABAS NA TOTOONG KULAY. #DuterteLite #Duterte2.0"


Dahil dito, samu't saring komento ng mga Twitter users ang nabasang sagot sa naturang post.


Binasa namin ang mga komento, at kahit gustuhin sana naming maging balanse at i-publish ang mga banat at pagtatanggol kay Yorme Isko, nagulat kami dahil majority ng comments ay galit sa alkalde dahil sa bago niyang pahayag.


Narito ang sample ng mga komento ng mga netizens…


"We are really disappointed with you, Yorme. Kay Leni na lang kami."


"Kaya ganu'n na lang ang paninira niya kay Leni. Ipinakikita niya na isa siyang tunay na alagad. Lalo na ngayon nag-backout na si Go, baka maglumuhod pa 'yan na siya na ang gawing the anointed one. Grabe na sa pagiging desperado. Parang ibinebenta na kaluluwa sa demonyo, ah."


"Ang pagkakaalala ko, nag-decide 'to tumakbo dahil madami siya 'di nagustuhan sa ginawa ng Duterte administration at umalma siya pinag-iinitan siya, tapos sinabihan siyang nagsasayaw nang naka-brief kaya tumakbo siya, now humingi tulong Duterte? Drama lang po pala lahat @IskoMoreno."


"Desperate plea from a Desperate Presidential Candidate Isko! Etong batang eto, hindi pa nga maayos ang Maynila at wala pang masyadong napatunayan sa bansa, ke-aga-agang umaambisyon ng pagka-pangulo! Boy Tondo, marami ka pang kakaining kanin! You are not the leader we are looking for."

"Duterte lite lang dahil mas bata. Pero at the rate that this chronic gambler and people-user is going, may potential na maging Duterte enhanced version pa nga. Lahat ng kabulastugan, korupsiyon, at pambabastos sa puwesto ay dodoblehin pa. Scary just thinking about it."

"Isko will NEVER get my vote. Akala ko si TraPoe lang ang ambisyosa, ambisyoso at bilib na bilib din pala sa sarili niya si Isko. Dream on!"


"Bagay talaga sa basura ang taong ito."


"'Yung binastos na siya ni Dudirty, pumapalakpak! Walang itinira na dignidad!"


"Nakakaawa naman si Yorme. Kulang na lang, lumuhod sa harap ng tatay niya."


"Kadiri. Desperado na si Yorme."


"Trapo talaga."

"Is he stupid? Umaasa pa siya? Ano expect niya? For Duterte to go against his own daughter?"


Grabe, 'di ba? We just wonder kung ano kaya ang reaksiyon ni Yorme Isko habang binabasa ang saloobin ng mga botante sa 2022?


Hmmm…


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page