top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Todo na 'to! SERYE NINA JANINE AT ZANJOE, UMABOT SA 2.3 BILLION VIEWS SA TIKTOK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2023
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 24, 2023



Hindi makapaniwala ang cast ng seryeng Dirty Linen sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga manonood dahil umabot ito sa 2.3 billion views sa TikTok, na numero unong spot bilang most watched series sa iWantTFC.


Kaya naman, abut-abot ang pasasalamat ng mga lead stars ng Dirty Linen na sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo para sa walang sawang suporta sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang teleserye.


Gabi-gabi rin kasi itong trending sa social media kung saan tinutukan ang mga kapana-panabik na komprontasyon at sagutan ng mga karakter.


“Surreal na naging parte ako ng ganitong klaseng level ng cast. Ito na siguro ‘yung favorite kong role kasi ang dami niyang layers. Sobrang thankful ako na pinagkatiwalaan ako to play Alexa.


Sobrang dream come true,” sabi ni Janine noong finale mediacon ng serye.


Nagpasalamat din si Zanjoe sa production team ng serye, pati na rin sa kanyang mga co-actors na nagsimula ng viral “mata-mata acting.”


“Pinapanood ko siya bilang part ng show and bilang audience rin na nahu-hook sa istorya.


Kudos sa musical director na sobrang galing. Tinulungan nila kaming gumaling. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng cast, production, at sa mga direktor ko,” pagbabahagi ni Zanjoe.


Samantala, pupunta sa Amerika sina Janine, Zanjoe, Seth Fedelin, Francine Diaz, John Arcilla, at Tessie Tomas, kasama si Jed Madela, para magpasalamat sa mga manonood na tumangkilik sa Dirty Linen.


Abangan sila sa G! Kapamilya presents Dirty Linen sa America sa Memorial Auditorium sa Sacramento, California ngayong August 26, at sina Janine, Zanjoe, at Jed sa Arena Theater Houston, Texas ngayong August 27.


Sa pagtatapos ng Dirty Linen ngayong linggo, sunud-sunod na pasabog na rebelasyon ang dapat abangan ng mga manonood. Mabibigyan na ng kasagutan ang mga krimen ng pamilya Fiero at malalaman na rin kung makukuha ni Alexa (Janine) ang matagal na niyang inaasam na hustisya.


Abangan ang pasabog na finale ng Dirty Linen sa Agosto 25 (Biyernes) nang 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page