top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Todo-iwas sa love life nila ni Bistek pero… RUFFA, PROUD MARITES, LAKAS MAKITSISMIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Ateng says | November 26, 2021



Hello, hello, hello, mga ka-Bulgar!


Oh, heto na naman ang inyong Ateng Janiz para sa mga latest chika sa showbiz na ang iba ay nakakalokah, ang ilan ay nakakatawa, at ang iba naman, tumbling ka na lang habang laugh to the max ka!


Nyahahahaha!


So, heto na ang say ni Ateng, mga Marites all over the world…


Tweet ni Ruffa Gutierrez, "Did you hear the news?? Is it true? I’m such a Maritess.


KIDDING. Hope you’re having a great Thursday everyone!"


ATENG: Oh, ha?!!! Guys, proud Marites si Ruffing, pero sa kanilang rumored love life ngayon ni Senatoriable Herbert Bautista, "keep my mouth shut" ang peg niya.


Mas masarap nga namang maging chismosa kesa ikaw 'yung bida sa tsismisan, boom!

Nadine Lustre, lantaran na raw sa Fil-French BF na si Christophe Bariou dahil nag-post na ng picture sa socmed.


ATENG: Ay, naku! For sure, tawang-tawa lang ang mga Marites!


Kahit 'di na kasi magsalita si Nadine… nauna nang nai-press release 'yan ni MARITES AND FRIENDS all over socmed, 'no!


Spell V-I-R-A-L!


Coco Martin at Julia Montes, unti-unti na rin daw na lumalantad.


ATENG: Juskoooo! Natutulog ba sa pansitan ang mga naghe-headline niyan?! Sa dami na ng sightings sa kanila kung saan-saan, pakonti-konti pa ba 'yun?


Stop me!!! Baka nga 'pag umamin na sina Coco at Julia, mas gusto pa naming maglaro ng Valorant kesa makinig sa pa-big reveal nila. Char!!!



Tweet din ni Alex Gonzaga, "Thank you Lord dahil hindi lang mabait asawa binigay mo sa 'kin. Ang pogiiii rin!"


ATENG: Sana all bukod na pinagpala sa babaeng lahat!


Hoooy, Alex!!! 'Wag kang nang-iinggit d'yan at baka hunting-in ng mga ANACONDA 'yang dyowa mong si Mikee Morada, ikaw din!


Sabi nga, daig ng malandi ang maganda! Awww!


Caption ng Instagram post ni Vice Ganda, "Kung may Monkey Eating Eagle, meron ding Bird Eating Horse."


ATENG: Hmmm… mukhang swak ito sa kasabihang "Man shall not live by bread alone"… at si Vice, kailangan ng "BIRD" to eat???!!!


Ohhhhh… sa laking tao ni Vice, feeling ko, kailangan din niya ng BIG BIRD to survive! Nyahahaha!


Paging, Ion Perez! 'Wag mong gugutumin si Vice at baka maghanap ng ibang BIRD.

Naku po!!!


Impressed ang singer-turned actress na si Gigi de Lana sa bagong leading man niyang si Gerald Anderson dahil SOBRANG BAIT at SOBRANG GENTLEMAN daw.


ATENG: Parang nama-Marites namin ang one-liner d'yan ng ex-GF ni Gerald na si Bea Alonzo na… "TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER."


Ohhhh, ha?!!!

Si Mavy Legaspi, may Kyline Alcantara. Ang twin sister niyang si Cassy, may Darren Espanto.


ATENG: Ehhh, tekaaa! 'Di ba't na-link din dati sina Darren at Kyline?


Well, well, well… it's a small world after all!


Ang saya siguro kapag nag-double date sila! Paaaak!


Ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz, may 8 beautiful kids na pare-parehong produkto ng surrogacy.


ATENG: Ang suwerte naman, parang MMFF lang, pasok sa Magic 8!


Kaysusuwerteng mga bata!


At in fairness, lucky din naman si Joel Cruz dahil iisa lang ang nanay ng mga ito!


Sir Joel, ikaw na ang SAKALAM!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page