Kahit nasa iisang kuwarto lang… BOYET, UMAMING HIWALAY SILA NG KAMA NI SANDY

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 24, 2026

Photo: File
Inamin ng batikang aktor na si Christopher de Leon na magkahiwalay sila ng misis niyang si Sandy Andolong kapag natutulog. Nasa iisang kuwarto lang daw sila, pero may kani-kanya silang kama.
Mas healthy daw para sa kanila ang ganitong arrangement upang maging komportable silang pareho sa pagtulog.
Sey ni Boyet, may time raw kasi na hindi siya agad nakakatulog dahil nagbabasa siya ng scripts, at ayaw niyang maistorbo ang tulog ni Sandy.
Aniya, “‘Yung kama naming mag-asawa, magkahiwalay pero nasa iisang kuwarto. Ayoko kasi na naiistorbo s’ya. I’m very conscious about that, and cautious! Na maski mag-asawa kayo, meron kayong space, meron kayong demarcation line.”
Marami naman ang humanga kay Boyet dahil sa loob ng 25 taon nilang pagsasama ni Sandy, hindi niya nakakalimutang bigyang-prayoridad ang pahinga at personal space ng kanyang misis.
Anak, kahit nilalait ng madlang pipol…
AGA AT CHARLENE, PROUD NA PROUD KAY ATASHA SA ANNIE BATUNGBAKAL
SA kabila ng pamba-bash at panlalait kay Atasha Muhlach, naging matagumpay ang pagtatanghal niya sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.
Nakapasa siya sa pamantayan ng mga kritiko at maganda ang feedback ng lahat ng nakapanood ng show.
Hindi binigo ni Atasha ang kanyang mga fans, mga kaibigan at pamilya na naniniwala sa kanyang kakayahan. Pinatunayan niya sa kanyang mga kritiko na karapat-dapat siya sa break na ibinigay sa kanya ng VIVA Entertainment.
Siyempre, proud sina Charlene Gonzalez at Aga Muhlach kay Atasha na hindi basta sumuko. Ngayon, puwede na siyang sumabak sa seryosong aktingan.
Samantala, hindi naman nakapagtatakang mahusay sumayaw si Atasha. Namana niya ito sa kanyang ina at may nagsa-suggest na sana ay mag-guest sila sa isang musical-variety show para mag-dance showdown.
May tig-2 anak na…
PAULEEN AT COLEEN, BUNTIS DAW, FAKE NEWS
PAREHONG fake news ang nababalitang preggy na naman sina Pauleen Luna at Coleen Garcia.
Dalawa na ang anak nina Pauleen at Bossing Vic Sotto – sina Tali at Mochi.
Si Coleen naman ay dalawang boys na rin ang anak with Billy Crawford – sina Amari at Austin, at wala sa plano nilang sundan pa ang kanilang two boys.
May ilang fans naman nina Pauleen at Bossing Vic ang nagwi-wish na sana ay magkaanak naman sila ng lalaki. Halos puro babae ang mga anak ni Bossing Vic. Sina Oyo at Vico Sotto lamang ang lalaki.
Samantala, alam naman ng mga fans ni Coleen na nangangarap siyang magkaanak ng babae. Tiyak na magiging masaya siya kapag biniyayaan sila ni Billy ng little princess.
Parehong maganda ang lahi nina Coleen at Billy, kaya artistahin ang hitsura ng kanilang mga anak. At kasabay ng pagma-mature ng singer-host ay ang kanyang pagiging responsableng padre de familia.





Comments