top of page
SHEET Lisensiya, suspendido, nag-chopper pa-LTO… LACANILAO KAY GEO ONG- MAGING GOOD EXAMPL

Todo-iling na promo lang ang pagbubuntis ni Kim… “KUNG BUNTIS, EH, DI GOOD FOR HER” — DAN

Writer: BULGAR
BULGAR
9 minutes ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 25, 2026



SHEET - “KUNG BUNTIS, EH, DI GOOD FOR HER” - DAN_IG _danvillegas & _chinitaprincess

Photo: IG _danvillegas & _chinitaprincess



“Hindi ko po talaga alam, eh. ‘Di ako tsismoso!” ang natawang sagot ni Direk Dan Villegas sa tanong kung totoong buntis si Kim Chiu.


Dumalo si Direk Dan sa premiere night ng pelikulang Laya nitong Lunes, Nobyembre 23, at dito na siya napalibutan ng media para hingan ng reaksiyon kung totoong buntis nga ba ang bida ng pelikula niyang A Perfect Marriage (APM), produced ng Quantum Films at WASD Productions na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Ilang buwan nang haka-haka na buntis diumano si Kimmy at halos lahat naman ng napagtatanungan ng mga tsismoso’t tsismosa ay walang nakuhang sagot mula sa mga taong kilala at malapit sa aktres.


Puring-puri ni Direk Dan ang KimPau dahil nagsusuportahan sila sa mga eksena nila. 

Sey niya, “I really appreciated them. They really support each other, ‘yun ang maganda sa kanila.”


Huling pagkikita nina Direk Dan at KimPau ay noong Setyembre pa.

“Natapos kami ng shoot (nu’ng) August, pero may naiwan na two days ng September, pero ‘yung bulk, August,” diin ng direktor.


Ilang buwan din ang shooting na every other day ang APM, kaya imposibleng hindi nakikita o napapansin ni Direk Dan ang pagbabago sa lead actress ng pelikula niya.

“Wala naman (napansin), ‘di naman kasi ako tsismoso, bahala sila!” natawang sabi ng direktor.


Panay ang iling ni Direk Dan nang banggitin na baka promo ng movie ang tsikang buntis si Kim dahil nga iyon ang gusto niyang mangyari sa kuwento ng APM.


“‘Di, eh. Saka kung buntis, eh, di good for her! Saka, blessing ‘yun, so ako, wala talaga akong idea,” paliwanag ulit ng direktor.


Samantala, inusisa naman siya tungkol sa acting skills ni Paulo. 

Aniya, “Wala akong masabi kay Pau and this is my second project with him (directing). He surprises me every time I direct him, so, ibang-iba rin kasi very internal ang process ni Pau.”

Dagdag pa niya, “Worth it panoorin ‘yung dalawa (Kim at Paulo) sa aktingan nila. Sulit na ‘yung bayad n’yo sa sinehan.”


Samantala, labis ang pagpapasalamat ni Direk Dan sa mga supporters ng KimPau dahil may mga schedules na raw ng block screening, na malaking tulong sa box office para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF).


“Nagpapasalamat talaga ako kasi wala pa (MMFF), ang ingay na. So, ang suwerte po, sobrang thankful ako sa kanila,” kaswal na sabi ni Direk Dan.


At may pahabol pa, “Sana, manalo po (award) sina Kim at Pau at puwedeng both (kumita at award)? Hahaha! Manifest na natin na puwedeng both. Relatable po ‘yung kuwento, makakahanap ka ng (eksenang) makaka-relate ka.”





DAGDAG-KILIG para sa mga boys’ love (BL) fans ang hatid ng iWant ngayong buwan, tampok ang global premiere ng BL short film na At Least We Had This Moment (ALWHTM) nina Raven Rigor at André Miguel na mapapanood nang libre sa streaming platform simula Miyerkules (Nobyembre 25).


Sa direksiyon ng indie filmmaker na si Joshua de Vera at sa produksiyon ng 901 Studios, ipinamalas sa pelikula ang kakaibang sinematograpiya na nakasentro sa arkitektura ng Maynila na nagsilbing tagpuan nina Vince (Raven), isang film photographer na nais makunan ang makulay na arkitektura ng siyudad, at Dino (Andre), isang estrangherong magsisilbing local tour guide. 


Sa kanilang panandaliang pakikipagsapalaran, matutuklasan din nila ang kanilang tunay na nararamdaman para sa isa’t isa.


Bago pa man ito mag-premiere sa iWant, una na itong umani ng iba’t ibang parangal, tulad ng Best Cinematography sa Nabunturan Independent Film Exhibition (NABIFILMEX) at Best Editing sa Hundred Islands Film Festival. 


Itinampok din ang short film abroad, gaya sa Queer East Festival sa London, Korea Queer Film Festival, Scottish Queer International Film Festival, Hong Kong Lesbian & Gay Film Festival, San Diego Asian Film Festival, at San Diego Filipino Film Festival.


‘Wag palampasin ang premiere ng At Least We Had This Moment na libreng mapapanood sa ‘Pinas sa iWant app at website simula Nobyembre 25. Available rin ito abroad sa pamamagitan ng iWant subscription plans.


Bukod sa ALWHTM, tampok din sa iWant ang ilan pang proudly Pinoy BL titles gaya ng Sparks Camp S4, Oh Mando! at ang bagong vertical serye nitong Coach Me Maybe, atbp..


Panoorin ang iba’t ibang kuwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksiyon ng Filipino feels. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page