Laban pa rin kahit todo-dusa… KRIS, UMAMING NAITATAGO LANG NG MAKEUP ANG SAKIT NIYA

ni Vinia VIvar @Frankly | November 25, 2026

Photo: IG _rbchanco
Sa gitna ng kanyang pakikipaglaban sa karamdaman, nakakatuwang makita si Kris Aquino na back to work na talaga.
Lately, sunud-sunod ang mga endorsements at invitations na tinatanggap ng Queen of All Media, the latest of which ay ang pagdalo niya bilang special guest sa Christmas tree-lighting event ng isang five-star hotel.
Sa kanyang social media post, ibinahagi niya ang video ng nasabing event at sa caption, ini-reveal niya ang hindi alam ng publiko sa nasabing okasyon.
Inamin ni Kris na nakararanas siya noon ng matinding lupus butterfly rash at pamamaga ng ilong na nagawang takpan ng kanyang make-up artist na si RB Chanco.
“What you get to see is the wonderful finished product,” bungad niya.
“What you also didn’t see was @rbchanco’s God-given talent. I was having an awful lupus ‘butterfly rash,’ much more prominent in an angry, blood-red color on my right cheek, and my nose was swollen,” aniya.
“Prior to my autoimmune disease battles, there was never any need for concealer. I will love you and be forever grateful @rbchanco because ‘di ka sumusuko,” patuloy niya.
Ayon kay Kris, nagawa pa rin niyang magsalita at humarap sa crowd na mainit na sumalubong sa kanila ng kanyang bunsong anak na si Bimby.
“My physical ailments didn’t prevent me from talking and addressing the crowd that gave Bimb & me such a heartwarming welcome,” sey niya.
Hindi rin nakalimutan ng aktres na pasalamatan si Bimby na siyang constant source of support niya sa gitna ng kanyang health battles.
Ikinuwento niya kung paano inilipat ni Bimby sa kanilang kuwarto ang kanyang gaming setup at gumamit ng headphones para hindi siya maistorbo habang nagpapahinga at makatulog nang maayos especially sa mga gabing nakararanas siya ng lupus migraine at high blood pressure dahil sa matinding sakit.
“Thank you, Bimb, for being my tower of support. You always remind me about the work ethic I passed on to you. Unless I am confined or undergoing an operation, procedure, or infusion, or just like the past 5 nights when I suffered from a lupus migraine and high blood pressure because of the pain, you moved your… I don’t know what to call the setup, since @alvingagui gave you his early Christmas gift GTA VI into our room and used headphones so I could sleep when possible,” lahad ni Kris.
Sa kabila ng kanyang ongoing health challenges, ipinakita ng aktres-TV host na nananatili siyang committed sa kanyang trabaho at nagpapasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.
Sa comment section ay pinuri naman ng kanyang make-up artist ang professionalism ni Kris na kahit may dinaramdam ay walang kahit na anong reklamo na tinutupad ang commitment.
“People see the beautiful moments, but we see everything it takes to get there. Even on days when it’s not easy, you still show up without a complaint and give your all. That strength, that determination, that quiet ‘‘Di ako susuko’ attitude will always inspire me. You never stop showing up, and that is a kind of beauty no makeup can ever create. I love you always,” pahayag ni RB.
HIGIT isang daan sa mga pinakamalalaking bituin sa bansa ang magsasama-sama sa isang entablado sa pangunguna nina Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar Vice Ganda, Asia’s Superstar Kathryn Bernardo, Grammy-nominated P-Pop girl group BINI, at Primetime King Coco Martin sa sanib-puwersang Christmas Special ng ABS-CBN Studios at TV5 Entertainment na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Disyembre 1 (Martes).
Maghahatid ng saya sina Vice, Kathryn at Coco, kasama ang mga Kapamilya stars at Kapatid talents, sa pangunguna ni Dylan Menor, sa star-studded na Share the Blessing Ngayong Pasko: The 2026 Christmas Special, kung saan makakasama rin nila ang BINI at ang kauna-unahang Eurovision Song Contest Asia winner na si Carmelle Collado.
Hindi rin dapat palagpasin ang mga world-class performers ng ASAP XP sa pangunguna nina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Martin Nievera.
Kabilang sa mga dapat pakaabangan sa one-night-only Christmas concert ay ang pakilig ng ilang sikat na mga love teams sa bansa gaya nina Alexa Ilacad at Gelo Rivera, Francine Diaz at Seth Fedelin, Fyang Smith at JM Ibarra, Janine Gutierrez at Jericho Rosales, Julia Barretto at Joshua Garcia, Kai Montinola at Kyle Echarri, pati sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
Hindi rin magpapahuli ang mga bida ng mga programa ng ABS-CBN at TV5, gaya ng Coco Martin’s Sigabo na sina Coco at Julia Montes, at Daniel Padilla ng Incognito.
Aabangan din ang bigating performances ng mga kinagigiliwang heartthrobs na sina Piolo Pascual, Donny Pangilinan, Iñigo Pascual, Cedrick Juan at Gerald Anderson, pati ang pasabog ng mga leading ladies na sina Belle Mariano, Jane de Leon, Yassi Pressman, Charlie Dizon, Kaila Estrada, Sue Ramirez, Jane Oineza, Bianca de Vera, Maris Racal at marami pang iba.
Isa rin sa mga highlight ay ang pagkanta ng ABS-CBN Studios’ Christmas ID 2026, Share the Blessing Ngayong Pasko, at ang Christmas ID ng TV5 na Tara sa Paskong Kapatid.
Magpapasiklab din ang mga bituin ng Star Magic at Star Worx sa kanilang production numbers.
Mag-uumpisa ang programa nang 5 PM sa Smart Araneta Coliseum.





Comments