top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Todo-hataw ang career, level-up! ALDEN, MAY INTERNATIONAL MOVIE NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | December 19, 2023




More, more movies for Alden Richards for 2024 at kung titingnan ang schedule,

walang pahinga si Alden.


Four movies na ang nabanggit niyang gagawin at kasama rito ang pagtatambalan nila ni Anne Curtis na collab ng Viva Films at GMA Pictures.


Excited na agad ang mga fans sa Anne-Alden movie lalo na at ididirehe ni Irene Villamor at gusto na agad malaman kung ano ang magiging story nito at kung kagaya ba sa Five Breakups and A Romance na sad ang ending dahil si Irene rin ang director.


Excited din ang mga fans ni Alden sa in-announce na international movie na kukunan sa New York at siya lang ang Filipino actor. Kahit sabihin pang trilogy of short films ito, iba rin kapag nakagawa ng international movie at may mga Hollywood artists pang kasama.


Natapos na rin ni Alden ang shooting ng movie na Out of Order na first directorial assignment niya. Ang nasabing courtroom drama will be streamed in Netflix or Amazon, kaya ang mga walang Netflix, magsu-subscribe na raw.


Busy din ang Myriad Entertainment na sariling production ni Alden dahil magpo-produce sila ng concert na international artist ang kukunin. Naalala namin, ini-request ng mga fans kay Alden na mag-produce ng concert ng K-pop artist para raw hindi masyadong mahal ang tiket. Malay natin at ito na ‘yun.


Of course, busy pa rin si Alden sa promo ng Family of Two nila ni Sharon Cuneta at ang sayang makita sa premiere night na na-meet ni Alden ang family ni Sharon mula kay Kiko Pangilinan at mga anak na sina Miel at Miguel.


Na-meet naman ni Sharon ang family ni Alden from Daddy Bae and his two sisters.

On Dec. 30, lilipad si Alden and his family for a two-week US vacation at sa kanyang pagbabalik, haharapin na ang taping ng Pulang Araw for GMA-7.


Of course, busy pa rin si Alden sa promo ng Family of Two nila ni Sharon Cuneta at ang sayang makita sa premiere night na na-meet ni Alden ang family ni Sharon mula kay Kiko Pangilinan at mga anak na sina Miel at Miguel. Na-meet naman ni Sharon ang family ni Alden from Daddy Bae and his two sisters.

On Dec. 30, lilipad si Alden and his family for a two-week US vacation at sa kanyang pagbabalik, haharapin na ang taping ng Pulang Araw for GMA-7.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page