top of page
Search

Todo-gaya raw kay Heart… PIA, TINAWAG NA KIRAT

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida  | August 17, 2024


Showbiz News
Photo: Pia Wurtzbach & Heart Evangelista / IG

Tila sumiklab na naman ang online bardagulan ng mga fans nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach nang i-unveil ang TVC ng Belo ASCE + Exosomes, Belo’s newest skincare treatment. 


Pinahuhulaan pa lang kung kaninong bare back ang ipinakita, nagsimula na ang bardagulan.


Nakakaloka lang, sa sobrang inis kay Pia, tinawag siyang kirat ng isang basher at saanman naming tingnan, tila hindi naman siya kirat. Naglatagan na naman ng credentials at achievements ang mga fans nina Heart at Pia na para bang magbe-benefit sila at kanilang ikayayaman.


Sa mga nabasa naming comments at mga nauna nang nabasa, para sa fans ni Heart, ang pinakakasalanan ni Pia ay ang panggagaya raw kay Heart. Mula sa OOTD (outfit of the day), sa hairstyle, sa make-up, sa paggawa ng videos at reels, at sa lahat ng bagay. 


Second-rate trying hard copycat ang tawag nila kay Pia na inalmahan ng mga fans nito.


Ang mas nakakaloka pa, pati pagpayat ni Heart, ginagaya raw ni Pia. Mabuti na lang at wala pang nakaisip na pati ang diet at food na kinakain ng bawat isa ay ginagaya ng isa.


Dahil Belo si Pia at Aivee si Heart, tila hindi na ipa-patronize ng mga maka-Heart Evangelista ang Belo at hindi na rin pupunta sa Aivee ang mga supporters ni Pia Wurtzbach.


 

Sa Australia pala nagbakasyon ang Dantes family nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto. 


Unang nag-celebrate si Marian ng kanyang 40th birthday sa isang intimate party na ginawa sa Te’kila bar sa BGC. Nakita namin ang ilang photos sa birthday celebration na napasayaw si Marian.


Sa Australia, silang apat lang ang magkakasama at sa nai-share na photo ni Marian sa kanyang Instagram (IG) Stories, makikita sila ni Dingdong na nagto-toast ng glasses sa iniinom nilang red wine sa De Bortoli Wines Yarra Valley.


May post naman si Dingdong sa mga anak na sina Zia at Sixto na parang nasa loob ng museum. Walang caption ang post ni Dingdong, kaya’t hindi nalaman kung saang museum ang pinuntahan ng magkapatid.


Anyway, waiting na ang mga fans ni Marian ng susunod niyang project sa television and movies after the box office success ng Balota na nagbigay din sa kanya ng kanyang first Best Actress award. 


Ano nga ba ang mga susunod na projects ng aktres?


Si Dingdong, may movie with Ms. Charo Santos at tuloy ang pagho-host sa Family Feud (FF) at Amazing Earth (AE). Siya rin ang host ng The Voice Kids TVK, kaya busy pa rin ang actor-TV host.


 

Magpakilig sina Barbie Forteza at David Licauco sa Kadayawan Festival na gaganapin sa Davao City sa August 18, Sunday. 


Ikatutuwa ng BarDa (Barbie at David) fans at sumusubaybay sa Pulang Araw (PA) na makita sina Adelina (Barbie) at Hiroshi (name ng mga karakter nila sa historical drama series) na makikisaya sa selebrasyon nila.


Hindi lang kilig, pati na ngiti at saya ang ibibigay nina Barbie Forteza at David Licauco sa mga Kapusong Dabawenyo. Kaya huwag palampasin ang matamis na sorpresa at all-out performance ng BarDa love team sa Kapuso Fiesta sa SM City Davao, 4 PM.



Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page