top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-flex pa sa socmed… BEA, OBYUS NA MAS SUPER-IN LOVE KAY DOMINIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 5, 2023



Inaapura na ng kanyang pamilya at mga kaibigan si Bea Alonzo upang magpakasal na sa nobyong si Dominic Roque.


Excited na rin ang lahat na saksihan ang kanilang wedding na tiyak na bonggang-bongga. Kahit sabihin pa ni Bea na gusto lang niya ng intimate wedding, hindi ito mangyayari sa dami ng kaibigan nila ni Dominic.


Next year na nakaplano ang kanilang pagpapakasal dahil may ilang commitments pa si Bea na dapat tapusin at hindi niya puwedeng talikuran ang kanyang mga kontrata.


Tiyak din na sa ‘Pinas lang gaganapin ang kanilang kasal upang makadalo ang lahat ng kanilang kaibigan at pamilya.


Marami ang nakasubaybay sa love life ni Bea, kaya masasabi nila na sobra kung magmahal ang aktres. Sa bawat relasyon nga ni Bea ay halatang siya ang mas in love na in love sa nobyo at nakikita raw nila ito sa relasyon niya ngayon kay Dominic.


Sa kanilang mga larawan na naka-post sa social media ay obvious na si Bea ang mas clingy at halos ayaw nang mahiwalay sa kanyang groom-to-be. Kaya, nagwi-wish ang lahat na si Dominic na nga ang kanyang makasama forever.


Deserve naman ni Bea ang lumigaya nang lubusan dahil wife material siya at handang-handa na para maging mommy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page