top of page
Search
  • BULGAR

Todo-epal daw sa It's Showtime, ang ingay pa… KIM, TINAWAG NA BAD HOST

ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 20, 2024




Nasa Siargao ang mga kaibigang celebrities ni Angelica Panganiban dahil sa muling pagpapakasal niya sa husband na si Gregg Homan.


Of course, hindi mawawala sa event ang dalawang BFF ni Angge na sina Bela Padilla at Kim Chiu. Muling nagsama-sama ang AngBeKi friends sa isang photo. 


Sa larawan, makikita sina Angge at Gregg, Bela at Swiss boyfriend na si Norman Bay at nasa gitna nila si Kim. 


Naloka si Kimmy sa kanilang picture dahil siya lang ang walang kapareha at feeling niya ay third wheel siya sa kanyang mga kaibigan. 


Aniya sa caption: "Talaga ba?" at dinagdagan ng laughing emojis. 


Komento tuloy ng mga netizens na kung saan-saang topic na napunta… 


"No Kim Chiu tomorrow at ST (Showtime). Great!"


"Awww! Ang papait. She is a good person. I don’t know with you two."


"Jusko, kahit 'di ko gusto si Kim, napaka-nega ng mga comments na ganito. Post about Gregg and Angge's wedding, ito comment. Get a life."


"Like ko si Kim pero 'pag umeepal siya masyado sa ST, nakakabuwisit na. Ang ingay, sobra.


Puro boses niya naririnig lalo na sa opening theme song. Oo, naka-mute muna."


"This isn’t about her being a good person. THIS IS ABOUT HOSTING. No one cares if she is a good or an evil person, BUT SHE IS A BAD HOST."


Sabi naman ng isang fan ni Kim, "Ewan ko sa inyo. Kami ng asawa ko na taga-US, kapag walang Kim Chiu, itinutulog na lang namin… Kung nand'yan siya, puyatan kami kahit may pasok pa bukas!"


"Maghanap si Kim ng Chinese businessman. Sa tingin ko talaga na du'n ang suwerte niya kasi Chinese rin siya kaya tatanggapin agad ng magulang ng guy at baka sila rin mag-push sa guy na pakasalan na siya kasi successful si Kim. Sa Chinese, hindi na importante maging traditional wife ka, gusto nila 'yung madiskarte sa buhay."


"Si Kim lang ang may jowa sa kanilang tatlo dati, ngayon nabaligtad, lol!"


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page