Todo-enjoy lang daw na magka-live-in… JOEM, WALA PA RING BALAK PAKASALAN SI MERYLL KAHIT NAANAKAN NA
- BULGAR
- Jul 11, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 11, 2021

Sa isang panayam kay Joem Bascon, natanong ang aktor kung kelan sila pakakasal ni Meryll Soriano.
May anak na sina Meryll at Joem who is six months old, si Guido.
Ayon sa aktor, kahit may anak na sila ng panganay ni Willie Revillame na si Meryll, hindi naman sila nagmamadaling magpakasal.
Lahad ni Joem, “Naka-focus muna kami ngayon ni Meme sa baby namin. Kung napapag-usapan na ba namin ngayon ‘yung sa kasal, sa pag-aasawa, hindi ko pa ‘yan masasagot ngayon. As of now, ine-enjoy lang po namin ‘yung time together with the baby and sobrang saya lang naming dalawa na naka-focus lang kami sa bata at nasa bahay lang kami.”
Tinanong din siya kung lilipat ba ng istasyon tulad ng mga kasamahan niyang talent sa Star Magic.
Kahit wala pa ring prangkisa ang ABS-CBN ay hindi umano sumasagi sa isipan ni Joem Bascon na lumipat sa ibang TV network.
Ayon sa aktor, masaya siya hanggang ngayon sa pangangalaga ng Star Magic.
“Yes, masasabi ko po na they are taking care of me. Hindi naman nila ako nakakalimutan kapag may trabaho at hindi rin nila ako nakakalimutang kausapin kapag may problema. Happy ako with the management. Happy din ako sa ABS-CBN. Lagi naman akong may work. Right now kasi, I have work with ABS-CBN and I’m happy naman,” nakangiting pahayag ni Joem.
Maraming mga kasamahang artista sa Star Magic ang naglipatan na sa GMA-7 pero para sa aktor ay wala naman daw masama rito.
“Hindi mo naman masisisi kasi kailangan naman nila ng trabaho, eh. Kung wala namang work sa isang network, lilipat sila. Basta lang po ang akin, makipag-usap nang tama, magpaalam nang tama. Okay naman po ‘yun,” giit niya.





Comments