top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI ELLEN NA MAY KASAMANG MALE MODEL SA CHINA, AGAW-EKSENA_IG _maria.elen

Todo-emote na mala-leading lady ng Chinese drama series… PIKTYUR NI ELLEN NA MAY KASAMANG MALE MODEL SA CHINA, AGAW-EKSENA

Writer: BULGAR
BULGAR
10 hours ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | November 18, 2026



FRANKLY - PIKTYUR NI ELLEN NA MAY KASAMANG MALE MODEL SA CHINA, AGAW-EKSENA_IG _maria.elena.adarna

Photo: IG _maria.elena.adarna



Parang totoong leading lady sa isang Chinese period drama si Ellen Adarna sa kanyang stunning at cinematic photoshoot sa China.


Ibinahagi ng dating aktres sa kanyang Instagram (IG) account ang tatlong sets ng mga larawan na nagpapakita ng iba’t ibang Chinese-inspired looks.


Tinawag pa niya ang kanyang bagong experience bilang kanyang ‘#ChinaMaxxing’ era, kung saan todo-bigay siya sa pagpasok sa mundo ng Chinese dramas.


Sa unang set ng kanyang photos, nagmistulang leading lady si Ellen sa isang classic Chinese period drama. Suot niya ang isang eleganteng golden-yellow qipao na may floral patterns, na ipinares sa malapad na woven hat na may puting lilies.


Mas naging cinematic ang kanyang mga larawan dahil sa warm lighting, atmospheric smoke, silk fan, at mga bulaklak na nagsilbing props sa kanyang photoshoot.


Sa kanyang caption, pabirong sinabi ni Ellen, “When in China.... In my Republican China era. Very dignified ang look (laughing & China flag emoji) committed to the C-drama plot. And no, this is NOT AI (artificial intelligence)!(laughing emoji) #ChinaMaxxxing.”


Hindi rin nagpahuli ang kanyang second photoshoot kung saan nag-transform naman siya bilang ethereal Wuxia warrior.


Suot ang flowing silver-and-white traditional robes, feathered hair accessories, at may markang nakaguhit sa kanyang noo, talagang nagmukhang karakter si Ellen mula sa isang Chinese fantasy series. May hawak pa siyang sword at folding fan habang nakapuwesto sa ibabaw ng bamboo raft.


“Living my Wuxia fantasy with zero martial arts skills but somehow still on my way to immortality (joking & sword emoji) And no, this is NOT AI! (laughing emoji). These are actually raw unedited files because I specifically asked them not to retouch my photos. The makeup alone already made me look like a completely different person. No need for a second transformation!” saad niya sa caption.


Pero hindi pa roon nagtapos ang kanyang Chinese drama transformation dahil mayroon pang third carousel kung saan, pinasok naman niya ang romance drama fantasy genre.


Makikita si Ellen na nakalubog sa tubig na napapalibutan ng pulang rose petals, habang may red spider lilies na palamuti sa kanyang buhok. May kasama rin siyang male model na nakasuot ng traditional black outfit.


“When in China... Forbidden romance in the Forbidden Fantasy City. (sneezing face emoji) #Delulu #Chinamaxxxing #PursuitOfZhangLingHe (laughing emoji) 37 episodes of stolen glances, forbidden feelings, zero cultivation, and no plot development - puro charaught lang,” sabi naman niya sa caption.


Maraming netizens at celebrities ang na-amaze sa transformation ni Ellen, lalo na’t ibang-iba ang kanyang hitsura sa bawat concept. 


Reaksiyon ni Coleen Garcia, “Ang ganda.”

Sey naman ni Max Collins, “Tarayyyy.”

From Maggie Wilson, “Gorgeous.”

Komento naman ni Arci Muñoz, “‘Yan na, eh…”

Papuri ni Jessy Mendiola, “Super-bagay.”





NAGTALA ng bagong live viewership records sa YouTube (YT) ang mga Kapamilya primetime teleseryeng Coco Martin’s Sigabo at Someone, Someday nitong Lunes, Nobyembre 16.


Sabay-sabay na tinutukan ang Sigabo ng 470,445 peak concurrent viewers na nanood ng maaksiyong episode kung saan sinimulan na ni Gabo (Coco Martin) ang bago niyang misyon laban sa bigating sindikato na pinangungunahan ng mga karakter ng mga sikat na rapper na sina Skusta Clee, Flow G, at Uncle Dags.


Nagtala naman ang Someone, Someday – na nasa huling dalawang linggo – ng 462,731 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanood.


Tampok sa episode ang matinding confrontation scene ng mga karakter nina Kathryn Bernardo at Maja Salvador kung saan sukdulan na ang galit ni Billy (Kathryn) kay Bea (Maja) dahil kumbinsido siya na sinisira nito ang relasyon niya sa best friend niyang si Jordan (James Reid).


Parehong gumawa ng panibagong all-time high records ang dalawang programa sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) ng ABS-CBN Entertainment, ang most-viewed channel sa buong mundo para sa media and entertainment category, ayon sa datos ng Tubular Labs.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page