top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI ELLEN NA MAY KASAMANG MALE MODEL SA CHINA, AGAW-EKSENA_IG _maria.elen

Kaya tumagal ang pagsasama, misis ‘di kinokontra… OGIE, TODO-DASAL ‘PAG MAINIT ANG ULO NI REGINE

Writer: BULGAR
BULGAR
10 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 18, 2026



TEKA NGA - OGIE, TODO-DASAL ‘PAG MAINIT ANG ULO NI REGINE_IG _ogiealcasid

Photo: IG _ogiealcasid



Aminado ang singer-composer na si Ogie Alcasid na hindi perfect ang kanilang pagsasama ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. May away at tampuhan din daw sila, na natural lang sa mag-asawa.


Well, kapag bad mood daw si Regine, hindi niya sinasalubong ang init ng ulo nito. Sa halip, ipinagdarasal na lang niya ito hanggang sa kumalma. ‘Yun ang sikreto kung bakit nagtagal ang kanilang marriage.


Samantala, sa isang interview, puring-puri ni Regine si Ogie. Napakabait daw nito at inuunawa ang lahat ng kanyang pagkukulang. Malaki raw ang pagbabago sa kanyang buhay nang dumating ito.


Ayon kay Regine, noong nasa height siya ng kasikatan, ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang career. Siya ang breadwinner ng pamilya, kaya ang kanyang propesyon ang kanyang prayoridad. 


Pero binago ni Ogie ang lahat. Naramdaman niya kung paano mamuhay bilang isang normal na tao at hindi alipin ng trabaho.


Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat ni Regine kay Ogie da Pogi. Ito rin ang naging suporta niya sa panahon ng kanyang pagreretiro sa malalaking concerts. 


Ganunpaman, hindi naman ito nangangahulugan na titigil na siya sa pagkanta.





WALA nang makakatalo pa sa pagiging generous ni Daniel Padilla sa kanyang pamilya, ayon sa amang si Rommel Padilla. Sobra-sobra raw kung magregalo ang aktor, lalo na kapag may bago siyang project at endorsements.


Kuwento pa ni Rommel, bongga ang natatanggap niyang gift tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan. 


Bale apat na ang motorsiklong naibigay sa kanya ni Daniel, kabilang ang BMX motorbike.


Dalawang sasakyan din ang ibinigay sa kanya ni DJ, isang Prado at isang Land Cruiser na milyones ang halaga. Bukod pa rito ang regular na pagbibigay ng cash allowance.


Maging ang mga kapatid ni Daniel at ang kanyang mommy na si Karla Estrada ay nakatatanggap din ng bonggang regalo.


Well, anu-ano naman kaya ang nairegalo na ng aktor sa kanyang GF na si Kaila Estrada? Tiyak na masuwerte ang babaeng pakakasalan niya dahil nakapagpundar na ito ng mga properties at may mga negosyo na rin.





Nagi-guilty daw na naging tulay sa kanila… KRIS, TAMEME SA BAGONG PASABOG NI ANJO SA KANILA NI JOEY



HINDI man seryoso, pero nasabi ni Anjo Yllana na nagi-guilty siya na naipakilala pa niya si Joey Marquez kay Kris Aquino. Siya kasi ang naging tulay noon kaya nagkalapit ang dalawa. 


Hindi naman niya inakala na magiging masalimuot ang relasyon nina Kris at Joey at mauuwi sa paghihiwalay.


Nasira rin ang political career ni Joey na dating mayor ng Parañaque. 

At dahil kaibigan niya, ito ang kanyang kinampihan kaya nasira rin ang friendship nila ni Kristeta.


Anyway, ang kabanatang ito ng relasyon nina Kris at Joey ay mainit na isyung pinag-usapan ng lahat, dahil anak nga naman ng dating pangulo na si Corazon Aquino (SLN) ang Queen of All Media. ‘Yun ang iskandalong hindi malilimutan ni Joey. 


Well, paminsan-minsan ay nababanggit pa rin ito sa showbiz circle kapag ang usapan ay ang mga nakaraang love life ni Kris.


Sa ngayon, wala pang reaksiyon si Kris kaugnay ng bagong kuwentong inilabas ni Anjo Yllana tungkol sa kanila ni Joey Marquez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page