top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI ELLEN NA MAY KASAMANG MALE MODEL SA CHINA, AGAW-EKSENA_IG _maria.elen

First time na may Pinoy na nakapasok… SB19 AT BINI, NOMINADO SA 69TH GRAMMY AWARDS

Writer: BULGAR
BULGAR
10 hours ago
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 18, 2026



WINNER - SB19 AT BINI, NOMINADO SA 69TH GRAMMY AWARDS_X BINI & SB19

Photo: X BINI & SB19


Nagbubunyi ang music industry sa panibagong karangalang hatid ng dalawang pinakasikat na P-Pop groups sa bansa, ang BINI at SB19.


Another historical record ang nilikha nila sa pagiging nominado nila sa 69th Annual Grammy Awards. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok sa listahan ng international music festival ang musikang Pinoy.


Nakapasok ang BINI at SB19 sa bagong dagdag na kategorya sa Grammy na Best Asian Pop Music Performance. 


Sa kategoryang ito, ina-acknowledge ng Grammy ang kanilang outstanding performances.


Nominado ang kanta ng BINI na Unang Kilig at ang awiting VISA ng SB19 sa Best Asian Pop Music Performance category.


Ang iba pang nominado sa kategoryang ito ay ang BABYMETAL at Polyphia para sa Sunset Kiss, IVE para sa BANG BANG, KiiiKiii para sa 404 (New Era), at ang Japanese singer na si LiSA para sa YES.


Samantala, kani-kanyang emote sa Instagram (IG) ang mga BINI members na sina Maloi, Jhoanna, Aiah at Stacey.


Sey ni Maloi, “Thank you, Lord. Pinakaunang Batangueña na na-nominate sa Grammy. Eme!”

At mula sa SB19, “From the Philippines to the world, thank you for believing in SB19 and standing with us as we carry Filipino music to the global stage!”


Ang Recording Academy ang opisyal na naghayag ng mga nominado sa 69th Annual Grammy Awards sa kanilang YouTube (YT) livestream nitong Lunes, November 16.

Gaganapin ang ika-69 na Annual Grammy Awards sa February 7, 2027 sa Crypto.com Arena sa Los Angeles, California.


Bukod sa Grammy, magpe-perform din ang SB19 sa Coachella Valley Music and Arts Festival next year. 


Bago ito, nag-perform muna sila sa nagaganap na ASEAN Summit sa bansa. Inawit ng SB19 ang official theme song na Together in Motion sa closing ceremony ng 49th ASEAN Summit.





Kapalit ng ateng si Lakam…

UTOL NA LALAKI, BAGONG TAGAPAMAHALA NG NEGOSYO NI KIM



NALUHA ang younger brother ni Kim Chiu habang ibinibida ang bagong bukas na pop-up store nila.


Nakita ang pagiging emosyonal ng utol ni Kim na si John Paul Chiu, o si JP, sa reel na ipinost ni Chinita Princess sa Instagram (IG). Siya ang nag-take over ng reels para ipakita ang loob ng bagong pop-up store nilang magkakapatid.


Mukhang hindi lang reels ang tinake-over ni JP sa business ng aktres-host kundi pati na ang dating posisyon ng nakaalitang ate ni Kim na si Lakam Chiu.


Sa video ay hindi napigilan ni JP ang maiyak habang ibinibida ang ginawa nilang preparation sa opening ng store.


“Nakakaiyak kasi… ‘di madali ‘tong pop-up preparation na ginawa namin,” pahayag ni JP habang gumagaralgal ang kanyang boses.


Akala raw niya ay hindi nila magagawa ang paghahanda at pagbubukas ng bago nilang branch.


Ipinaubaya na nga kaya ni Kim ang kanyang negosyo sa kanyang younger brother?


Hindi lang sa kanyang business tila nag-lay low si Kim. Nauna na siyang biglang nawala sa limelight. Hindi na siya napapanood sa It’s Showtime at hindi na rin visible sa social media.


Nag-alala tuloy ang mga faney na baka hindi na magpakita si Kim sa promo ng movie nila ni Paulo Avelino na ipapalabas sa December.


But knowing Kim na napaka-professional, posibleng lumabas na rin siya sa kanyang lungga at harapin ang promo ng latest movie nila ni Paulo.


Many are wondering kung bakit umabot sa ganitong desisyon si Kim na mag-hibernate sa showbiz.


Sobrang disappointed kaya siya sa kinahinatnan ng relasyon niya sa kapamilya at kaibigan kaya mas pinili ng aktres na mag-lay low muna sa mata ng publiko?


Sa true lang, napakalaking dagok sa buhay na mismong kapamilya ang gumawa sa iyo ng hindi maganda at mawalan ng kaibigan sa gitna ng kinakaharap na malaking problema.


Kaya kung makakabuti sa mental and emotional health ni Kim ang ‘magpakalayu-layo’ muna at magpahinga, mas maigi.

Trew!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page