Mas kinampihan daw ang ex niya… AI AI AT ANAK NA SI SOPHIA, 1 TAONG ‘DI NAG-USAP DAHIL KAY GERALD

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 18, 2026

Photo IG _daisynsweetpea
Nilinaw ng anak ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas na si Sancho na hindi sila naging magkaibigan ng dating mister ng kanyang ina na si Gerald Sibayan.
Sa guesting ni Sancho kasama si Ai Ai at kapatid na si Sofia sa Fast Talk with Boy Abunda, ipinaliwanag nito kung paano niya nakilala si Gerald at kung ano ang naging relasyon nila noon.
Ani Sancho, “I-clarify lang po natin, kasi for the longest time, ‘yun ang sinasabi nila na kaibigan ko si Gerald. Hindi. Malayo ang age gap namin. So ‘di kami, never kaming naging magka-batch sa school or whatsoever. Lasallista rin pero ‘di kami naging magkaibigan. Nakilala ko lang din s’ya dahil kay Mama.”
Nang tanungin ni Boy kung ano ang naging relasyon niya kay Gerald noong una, sinabi ni Sancho na maayos ang pakikitungo nito sa kanilang ina kaya tinanggap nila ito bilang bahagi ng kanilang pamilya.
“Nu’ng first, Tito Boy, s’yempre, nakita naman namin na maayos s’ya kay Mama. Inaalagaan n’ya ‘yung nanay namin. So, kami bilang mga anak, ‘di na namin s’ya pinahirapan na maging part of the family. And we were there sa harapan. Like ‘yung bina-bash sila na kesyo mas bata nga raw ‘yung boyfriend ni Mama. Bakit daw nagdyowa ng mas bata? Kami ang nakakakita kung paano sila sa bahay. Ang sinasabi kasi is pera, pera, pera, pera. Nakakalungkot nga lang kasi nga dumating kami sa point na nawala,” paliwanag niya.
Napag-usapan din ang naging reaksiyon ng mga anak ni Ai Ai nang maghiwalay sila ni Gerald.
Tinanong ni Boy ang aktres kung nagkaroon ba ng pagkakataong inakala niyang kinakampihan ng kanyang mga anak ang dating asawa.
“One year kaming ‘di nag-usap ni Sophia. Kasi feeling ko, sabi ko, bakit anak kita, ako ang iniwan, bakit kumakampi ka kay Gerald? So, one year ko s’yang ‘di kinausap. Kailan lang kami nag-usap. Kaya itinatago ko lahat, from the beginning, mga pain, lahat ng sakit kasi ayokong saktan ang mga anak ko.
“‘Yung kaya kong tiisin ang lahat ng sakit para ‘di sila maapektuhan dahil sobra ko silang mahal, sila ang buhay ko, eh. Sabi ko nga, mas magaling akong nanay kaysa magaling akong asawa. Kasi pinoproteksiyunan ko ‘yung mga anak ko kaysa du’n sa nararamdaman ko para magkaroon ako ng dyowa or asawa,” naiiyak na pahayag ni Ai Ai.
Pero kalaunan, naunawaan ng Comedy Queen na nais lamang muna ng kanyang mga anak na ayusin nila ang kanilang relasyon.
“Pero eventually, you discovered na ang gusto ng mga anak mo ay ayusin lang muna. ‘Di kaagad option ang hiwalayan,” tanong ni Boy.
“Yes. Pero nu’ng sinabi ko sa kanila ang totoong dahilan, du’n na sila nag-decide na, ‘Ah, kaya pala gusto ‘to (mangyari) ni Mama,” ani Ai Ai.
Sa huli, tinanong ni Boy ang aktres kung ano ang nais niyang iparating na pasasalamat at paghingi ng tawad sa kanyang mga anak.
“Sa mga anak ko, thank you kasi nand’yan kayo na kahit luka-luka si Mama, palagi n’yo akong tinatanggap kahit ano’ng mangyari sa buhay ko. ‘Pag nasasalanta ako, nand’yan pa rin kayo para sa ‘kin. Kayo ang reason kung bakit ako lumalaban sa buhay kasi alam ko na kailangan nila ako nu’n, nu’ng bata sila, sa ‘kin sila lumaki, eh. Ako ang nagpalaki sa kanila. So, sila talaga ang buhay ko.
“Patawarin n’yo ako. Sorry kasi kaya ‘di ko nasasabi ‘yung mga masasakit na naramdaman ko, ‘yung mga nangyari sa love life ko na pangit kasi pinoproteksiyunan ko ‘yung mga nararamdaman nila dahil ayoko silang masaktan,” ani Ai Ai.
Anyway, belated Happy Birthday sa ating Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong November 11.
Mister na si Mikee, ‘di na raw makahawak… ALEX, IPINAGSIGAWANG PARA SA ANAK NA LANG ANG DEDE NIYA
IBINAHAGI ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga ang kanyang naging struggle sa pagpapadede sa anak nila ng asawang si Lipa City Vice-Mayor Mikee Morada na si Isaac.
Sa kanyang social media post, ikinuwento ni Alex ang hirap na pinagdaanan nila ng kanyang baby para muling makadede sa kanya.
Ani Alex, “1 week kami laging struggle para makadede ulit s’ya sa boobs ko… Kagabi, sa inis n’ya, kinagat pa twice nips ko.
“Thank you, Lord, while Isaac is sleeping now, I calmly gave him my breast and he latched! Walang drama at iyakan… Kaso pa-30 minutes na ginawa nang pacifier naman dede ko, but okay lang, basta para sa anak! Tandaan mo, anak, para sa ‘yo lang ‘yan, kahit si Papa mo, ‘di na mahawakan ‘yan. Hehehe!”
Well, motherhood is not easy, pero para sa anak, kakayanin talaga ni Alex.
‘Yun lang, and I thank you.





Celebrity stories like this show how complicated personal relationships can become, especially when family matters are involved. After catching up on entertainment news, I enjoy Meccha Chameleon which is a fun way to relax.