top of page

Todo-depensa kay Mavy sa breakup daw kay Kyline…CARMINA AT ZOREN, TODO-HUGOT SA MGA SOCMED POSTS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 27, 2023




To the defense sa mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel dahil naba-bash si Mavy matapos kumalat ang balitang break na sila ni Kyline Alcantara.


Si Cassy naman, na-bash noong malamang in-unfollow niya si Kyline sa Instagram, kaya pati siya, nadadamay sa bardagulan ng maka-Kyline at maka-Mavy fans.


May post sa Instagram story si Carmina na “Mom knows best” na marami ang ibig sabihin.


Si Zoren naman, tila may pinatungkulan sa caption sa ipinost na reels na kasama nina Mavy at Cassy ang ibang hosts ng Eat… Bulaga!. Sabi nito, nag-bonding ang grupo at pumunta sa Dakak.


“Keep smiling guys @cassy @mavylegaspi it’s good to have GENUINE FRIENDS, ingat kayo.”


Naka-tag sina Winwyn Marquez, Dasuri Choi at Arra San Agustin na kasama sa reels.


Nagpasalamat naman si Carmina sa mga tunay daw na nagmamahal sa mga anak nila.


“Maraming salamat sa mga tunay na nagmamahal sa mga anak namin. Mahal din namin kayo. Enjoy lang kayo.”


Hindi ba? Parang may hugot sina Carmina at Zoren sa kanilang mga post, kaya mag-iisip ka talaga kung ano ba ang nangyari kina Mavy at Kyline?


Pati ang mga fans, naghati na, may maka-Mavy at may maka-Kyline at may mga neutral naman na gustong maayos ang conflict ng dalawa.


Pare-parehong Kapuso stars ang Legaspi family at si Kyline. Paano kaya kapag nagkita-kita sila?


Saka, in fairness, pare-pareho silang may shows. Sina Kyline, Cassy at Mavy nga, magkakasama sa All-Out Sundays, si Carmina, may Abot-Kamay na Pangarap at si Zoren, may Black Rider. Si Kyline, magbibida rin sa Shining Inheritance.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page