top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Todo-deny pa rin… BELA, BUKING SA SINGSING NA KASAL NA SA SWISS BF

BULGAR
Jul 14, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 14, 2021



Pinabulaanan ni Bela Padilla na ikinasal na siya sa Swiss boyfriend na si Norman Ben Bay.


Sa post ni Bela kung saan nasa Italy siya para magbakasyon ay may napuna ang netizen habang isinasahod niya ang kanyang kamay sa running water na isang wishing well.

Sey ni Bela, “Ciao, Firenze! (with heart emoji)”


Nag-react ang isa niyang follower, “Feeling ko po ikinasal ka na d'yan. 'Yung singsing, napansin ko (with clap and heart emoji).”


Sumagot naman ang aktres, “No, it’s my own ring.”


Iba naman ang napansin ng ilang netizens sa aktres.


“Ang ganda ng balat ni Bela.”


“Oo nga, sila ni Jennylyn Mercado, gustung-gusto ko ang skin, parang Koreana.”

“High-end tingnan talaga nito, tapos bubbly pa.”


Pinagkumpara rin ng mga netizens ang similarity nina Bela at Bea Alonzo, maging ang talent at achievements ng dalawang aktres.


“I've always described her as the knock-off version of Bea.”


“'Wag delusional. In terms of actual (and not pabebe) talent and utak sa interview, halata naman sino'ng lamang.”


“Agreed, knock-off version of Bea. Lol.”


“On the contrary I think she is a better talent than Bea.”


“She's waaaaay better than Bea. Real talk, unfair to compare people but can't help to answer people who are too judgmental.”


“Mas sikat lang si Bea, pero mas bet kong umarte si Bela. Marunong lang umiyak si Bea.”


“Considering how Bela has legit acting awards based on her talents (not box office queen, best dressed, or awards na catering to love team), may indie movies siya, she actually co-wrote and co-produced a film. While I find her movies pretentious, definitely, hindi masa ang cine-cater ng movies niya. So, paano siya naging "poor man's Bea," eh, mas high brow nga siya?”

“Bea has the mass appeal. In fact, siya ang kinakagat ng "poor men".


“Bea and Bela have completely different audiences and different projects pero between Bela and Bea, si Bea 'yung "poor men" ang audience.”


“Naman, sa talino pa lang, wala nang binatbat si Bea, talent pa. 'Wag namang mapanlait ang fans niya rito.”


“Just because may hawig sila ni Bea, eh, knock-off version na siya. Hoy, gising, malayong intelihente si Bela kay Bea, 'no? And besides, scriptwriter-director na rin siya. Package deal si Bela.”


“Mas maganda si Bea, pero mas feel ko 'yung class at wit ni Bela.”


“Best asset talaga ni Bela 'yung kutis niya, lalo na 'pag naka-shorts, ang kinis.”


Ipinasok na naman ang pagde-deny ni Bela na ikinasal na siya.


Ani ng mga netizens, “Nag-deny din dati si Solenn na nagpakasal sila ni Nico noon sa Argentina. Just saying. Lol.”


“Ba't kasi nangingialam? Eh, kung nagde-deny, di hayaan lang. Ano ba napi-feel n'yo kapag napapaamin n'yo ang artista?”


“Parang ganu'n na nga. Either that or magpapakasal pa lang. Kasi ang big step ng ginawa niya to move there for him kung walang assurance na ganu'n.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page