Todo-bigay sa paghataw, segurista… GARY V., PANAY ANG CHECK SA BLOOD SUGAR HABANG NAGKO-CONCERT

by Janiz Navida @Showbiz Special | October 4, 2026

Photo: by Marso Santos
“Trip down memory lane” ang ganap sa unang araw ng 10-day series of concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa Music Museum.
Titled Back at the Museum, isa-isang binalikan ng singer-total performer ang mga shows na ginawa niya sa Music Museum, na aniya nga, more than 100 concerts na, kaya malaking parte talaga ng pagiging artist niya ang naturang concert venue.
At big success ang first day ng Back at The Museum last Thursday, Oct. 1, dahil punumpuno ang Music Museum, hindi lang ng mga kapamilya at kaibigan ni Gary V. kundi ng mga loyal fans na mula pa noon ay sumusuporta na sa kanya.
Nakita naming dumating at nanood si Sen. Kiko Pangilinan (in support too of his daughter, Kakie Pangilinan na front act sa concert) kasama ang bunsong anak na si Miguel, pero wala si Megastar Sharon Cuneta.
Dumating din si Diamond Star Maricel Soriano, at ang ilang composers ng mga kanta ni Sir Gary tulad nina Arnel de Pano at Jungee Marcelo.
Napa-throwback talaga ang mga fans ni Gary habang kinakanta niya ang mga sumikat niyang kanta na may kasabay na video sa big LED screen ng mga concerts niya nu’ng kabataan niya singing the same song.
Ang nakakatuwa sa mas maliit na venue tulad ng Music Museum, sabi nga ni Sir Gary, mas intimate at personal niyang nalalapitan, nakakamayan at nayayakap with matching selfie ang kanyang mga fans.
Aliw na aliw kami sa segment na may special requested song kay Gary V. ang audience. Kani-kanyang sigaw at palakasan ng boses para ‘yung gusto nilang marinig na kanta ni Gary V. ang kantahin nito.
Litung-lito tuloy ang singer-total performer kung ano’ng request ang unang pagbibigyan.
At tulad ng dati, hindi binigo ni Gary V. ang kanyang audience. Todo-bigay ito sa lahat ng kinanta at sinayaw niya. Ang naiba lang ngayon, maya-maya ang check niya sa gadget na nakakabit sa kanyang body to monitor his blood sugar. Mas okay na nga naman ‘yung sigurado.
Nang kantahin ni Sir Gary ang Sana Maulit Muli na sabi niya ay dedicated sa kanyang wife na si Tita Angeli Pangilinan, naging emosyonal ang kanyang wifey-manager at hanggang natapos ang kanta, panay ang punas nito sa kanyang luha.
Paliwanag ni Tita Angeli kung bakit siya napaiyak, “Awwwww just thought of all the hurdles we have gone through together and there he was still singing and dancing. Blessed and favored by our Lord Jesus…. And Alive!!!!!””
Oo nga naman! Ilang beses nang nanganib ang buhay ni Mr. Pure Energy at akala nga nito ay hindi na siya makakabalik sa pagpe-perform, pero heto siya ngayon, alive and kicking at bigay-todo sa pagpe-perform sa Back At The Museum na mapapanood pa sa Oct. 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29 & 31 at 8:00 PM.
Waging Child Performer sa CinePanalo Filmfest…
ZION CRUZ, NEXT ALDEN, SI ENRIQUE ANG GUSTONG MAKA-WORK
MUKHANG ang bida ng Apol Of My Ai na si Zion Cruz ang magiging next Alden Richards, ha?!
Wagi ang napakaguwapo at napakagaling umarteng bagets bilang Panalong Child Performer sa ginanap na Puregold CinePanalo Film Festival 2026 Awards Night sa Gateway 1 last Sept. 30.
Hindi kami nagkamali na mag-uuwi talaga siya ng trophy dahil nakipagsabayan siya sa galing ni Zanjoe Marudo – na by the way ay itinanghal namang Panalong
Pangalawang Aktor – na gumaganap na tatay niya sa Apol Of My Ai.
Grabe kaming pinaiyak ng mga eksena nilang dalawa sa naturang movie, na palabas pa rin hanggang ngayon sa Gateway Cinemas, Ayala Malls, Trinoma at Robinson Cinemas.
At hindi lang basta guwapo at magaling umarte si Zion, matalino rin ang bagets na mahahalata sa kanyang acceptance speech kahit pa kinakabahan ito.
Kahit ‘di raw niya expected na siya ang mananalo, mukhang pinaghandaan niya ang speech niya dahil ang haba, para siguro sure na walang makakalimutan.
Inisa-isa niya ang mga dapat pasalamatan at ang na-appreciate namin sa kanya ay ‘yung sinabi niyang ang turo ng kanyang parents ay “Stay humble” at hindi dapat lumaki agad ang ulo.
Looking forward kami na mabigyan pa ng mas maraming magagandang roles si Zion na ang idol palang aktor ay sina Piolo Pascual, Alden Richards at Enrique Gil.
Dahil una siyang nabigyan ng break sa TV5 via Ang Himala ni Niño, ang dream niyang next na makatrabaho ay si Quen.
Hmmm… Puwede sigurong mag-kuya, ‘wag munang mag-ama. Hehe!
Anyway, humakot ng parangal sa Full-Length category ng Puregold CinePanalo Filmfest ang Mono No Aware na pinagbidahan ni JK Labajo, na wagi ring Panalong Aktor pero wala sa awards night kaya ‘di personal na natanggap ang trophy.
Sa Students Shorts category naman, neck-to-neck ang naging laban ng Limlim at Kun Hain, Bisan Diin kung saan sina Samantha Palaje and Jomarie Corro-Reyes respectively ang nag-tie sa Panalong Direktor award.
Tig-apat na awards din ang nakuha nila kung saan ang Limlim ang nag-uwi ng top honor na Pinakapanalong Maikling Pelikula.
Congrats to all the winners!





Comments