top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-babad daw kasi sa socmed… SHARON, HUMIRIT NA 'DI ALAM NA NAMATAY NA SI PNOY, AYAW PANIWALAAN NG

  • BULGAR
  • Jun 27, 2021
  • 2 min read

NETIZENS


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 27, 2021




Hindi nagpatumpik-tumpik si Megastar Sharon Cuneta at pinalagan ang basher nu’ng mag-post siya ng sympathy message sa namayapang dating pangulo na si Noynoy Aquino.


Sinabi ng basher na plastic umano ang Megastar sa pakikiramay sa Aquino family.


Nag-post ng larawan ni PNoy si Megastar kung saan may mga written words na "Hindi ka nag-iisa" at time ng viewing para sa yumaong dating presidente.


“Rest well in God’s loving arms, PNoy. Gone too soon (with prayer emojis),” ang sympathy message ni Shawie sa larawan.


Isang netizen ang nagreak sa pakikiramay ng misis ni Senator Kiko Pangilinan.


Ani @carmitabanera, “Isa ka pa… nag-post ka ng pakikiramay kanina then nag-POST ka ng iba (sorry, siyempre love for dogs are never easy) I TRUSTED YOU!!!! Plastic ka pala… nu'ng nararamdaman mo 'yung overwhelming love kay Noynoy, bigla ka nag-POST ng ganito???”


Hindi nagustuhan ng Megastar ang opinion ng netizen kaya agad niyang sinagot ito.


“@carmitabanera, HINDI KO PO ALAM NA NAMATAY SI PNOY NU'NG NAG-POST AKO ABOUT THE DOG RESCUE, OKAY? Nasa Amerika ako, mag-isip ka muna, 'di judgmental agad. Daming masama talaga ugali sa Pilipinas kaya hirap umusad, eh.”


Ang sagutan ng Megastar at ng netizen ay umani nang katakut-takot na reaksiyon mula sa mga netizens.


Pero, mas marami ang pumabor sa basher at mas nilubog pa nila ang Megastar sa isinagot nito kay @carmitabanera.


“Sa bilis ni Mega i-deny 'yung rumor na naaksidente raw siya, mahirap maniwala na hindi siya up to date sa mga nangyayari sa Pilipinas. Just saying.”


“True. Sa hilig niya sa socmed, hindi ako naniniwalang 'di siya updated sa news sa 'Pinas.”

“Siyempre, 'di niya puwedeng aminin 'yun… masyado siyang napahiya.”


“Depende iyon sa kung ano ang sasabihin o ite-text sa kanya ng mga tao na nasa Pilipinas.”

“Hayyy, 'wag na pong patulan. Pero "kaya 'di umuusad ang bansa, dami katulad mo nagmamagaling." Anak n'yo din ho kasi, sobrang galing.”


Ipinagtanggol naman ng ibang netizens si Megastar at ang anak na si Frankie.


“Sino'ng anak? Si Frankie? Magaling naman talaga 'yun, lalo na 'yung post niya about PNoy's passing.”


“Magaling naman talaga anak niya, hater ka lang.”


“Oo, matalino naman talaga 'yung anak niya, hindi mo lang kaya intindihin kasi hindi kayo magka-wavelength.”


“Not a fan of Mega lately, pero jusko naman, basher, a person can sympathize without literally rolling over the floor crying...”


“She already posted about Noynoy before the aso post. Then she posted this so bale 2nd post na niya 'yan about Noynoy.”


Paliwanag pa ng netizen, “First post niya kasi medyo cheerful 'yung ginamit niyang pic, parang mas nakakalungkot pa 'yung dog post niya.”


“Kakie has better post. Mas sincere. 'Yun lang.”


“Bakit kailangang banggitin ni Sharon 'yung pag-usad ng bansa? Ano'ng connect? Marami ring opinionated sa mga mayayamang bansa. For me, totoo naman, parang naki-ride na lang talaga si Sharon.”


“Not a fan of Sharon pero grabe naman si Manang Carmi, pati 'yun, napansin? Wala po kayong ibang magawa sa life?”


'Kaaliw naman ang komento ng isang ito, “Anubayan, may police na din sa pakikiramay? Ito namang basher, parang widow siya ni PNoy. Huwag n'yo pakialaman kung paano nakikiramay o nagdadalamhati ang ibang tao. Lahat na lang, ginagawang excuse para makapang-bash ng iba.”


Uhhmm… tama naman siya, 'wag nang pakialaman ang isang taong nakikiramay.


‘Yun lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page