Todo-asa sa pramis na 'di sila iiwan ng anak… KATRINA, NAGLULUKSA SA PAGKAMATAY NG BF
ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 31, 2024

Nagluluksa ngayon ang sexy actress na si Katrina Halili dahil sa pagpanaw ng kanyang non-showbiz boyfriend.
Sa kanyang IG account nu'ng Lunes, nag-post si Katrina ng picture ng isang lalaki na nakatalikod sa gitna ng dilim na may sinag ng liwanag sa harapan nito.
Ang caption niya sa naturang IG post, "You're cheating, love, you said you'll take care of Katie and I, why did you leave us?"
Walang binanggit na pangalan si Katrina at never din itong naging open sa public sa identity ng kanyang karelasyon.
Nalaman lang ang name ng guy nang mag-comment ng pakikiramay si Ms. Chanda Romero at binanggit ang pangalang "Jeremy".
May nagtanong kung ano'ng full name ni Jeremy at may sumagot ng "Jeremy Guiab".
Kung 'di kami nagkakamali, ito 'yung dati ring kasama ni Katrina Halili nu'ng makita silang nasa Palawan ni John Lloyd Cruz.
Mukhang malapit na kaibigan ni John Lloyd si Jeremy at base sa mga comments sa IG post ni Katrina, mukhang kilala naman nila ang boyfriend ng aktres kahit 'di open sa publiko ang relasyon nila.
Isa kami sa mga taos-pusong nakikiramay kay Katrina Halili at sa pamilya ng kanyang late boyfriend.





Comments