top of page
Search
  • BULGAR

Todo-asa raw sa sustento ni Raymart sa mga ampon niya…

CLAUDINE, TINAWAG NA ADIK AT MAKAPAL ANG MUKHA NG KAMPO NI JODI

Julie Bonifacio - @Winner | February 28, 2021





NR (no reaction) si Jodi Santamaria sa bintang ni Claudine Barretto sa kanya na BI (bad influence) siya sa BF na si Raymart Santiago.


Instead, may mga makahulugang quotation si Jodi na ipinost sa kanyang Instagram account few days pagkatapos pakawalan ni Claudine ang mga akusasyon sa kanya.


Ang arya ni Claudine, bad influence si Jodi kay Raymart dahil 'di raw ipinakikilala ng aktor ang mga anak nila ng Optimum Queen sa bago nitong karelasyon.


Hindi na rin daw nakakapagsustento nang tama si Raymart sa mga anak mula nang maging GF nito si Jodi.


Sa Instagram account ni Jodi ay may ipinost siyang quotation na tila may nais iparating na mensahe.


"We all have a bag. We all pack differently. Some of us are traveling light. Some of us are secret hoarders who’ve never parted with a memory in our lives. I think we are called to figure out how to carry our bag to the best of our ability, how to unpack it, and how to face the mess. I think part of growing up is learning how to sit down the floor with all your things and figuring out what to take with you and what to leave behind. ~hannah brencher," caption ni Jodi sa piktyur na ipinost niya habang nakaupo sa ATV car.


Not sure kami if connected ang post na 'to ni Jodi sa current issue ni Claudine against her. Or uso lang talaga among celebs now 'yung kesa tumalak kapag may isyu na sangkot sila ay nagpo-post ng mga matalinghagang mensahe o 'di kaya, quotation kapag gusto nilang i-express o sumagot.


Pero sa sumunod na IG post ni Jodi ng piktyur niya sa tuktok ng bundok at video niya na nagpapaandar ng ATV habang paakyat ng bundok, may netizen na nag-post ng comment tungkol sa kanila ni Claudine.


"Miss Jodi, binabanatan ka ni Claudine, hindi ka raw magandang impluwensiya kay Raymart. Bad influence ka raw."


May netizen naman na tinawag na "adik" at makapal ang mukha ni Claudine.


"Kaya nga ang kapal ng mukha ni adik, eh, sabihin pa 'di raw magandang impluwensiya. Gusto ata niya na 'yung mga ampon niyang anak ang buhayin ni Jodi. Wala ngang ginawa, naghihintay lang ng datung kung sinu-sino ang magbibigay. Tamad magbanat ng buto."


"Korek. Mali niya, ipapasa sa iba. 'Di ako nagtataka bakit iniwan siya ni Raymart, 'di ba? 'Kakaloka."


Ganern?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page