top of page

Tita ng aktor, nagsalita na… BETH TAMAYO, HAPI PARA KINA DOMINIC AT BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | March 10, 2021





Napanood namin ang ilang parts ng interview nina Noel Ferrer, Jerry Olea at Gorgy Rula kay Beth Tamayo for Pep Troika. Tita ni Dominic Roque si Beth at nagpahayag ang aktres ng pagbati kay Bea Alonzo na maging GF ni Dominic. Masaya raw siya para sa dalawa.


Pabor din si Beth na walang inaamin at walang idine-deny sina Bea at Dominic sa kanilang relasyon at pabayaan na lang daw na makita sila ng tao na magkasama. Sinabihan daw niya si Dominic na maba-bash dahil bigger star si Bea kesa sa pamangkin.


Kinumpirma rin ni Beth na magkasama sina Bea at Dominic sa Amanpulo a few months ago at kung magkahiwalay man daw ang pictures ng mga ito sa Amanpulo, eh, di hiwalay. Hahaha!


Ang pag-amin nina Bea at Dominic ang sunod na inaabangan ng mga fans at netizens after umamin sina Gerald Anderson at Julia Barretto na may relasyon sila. Malapit na nga kayang mangyari ang inaabangan ng Bea-Dominic shippers?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page