Tipid sa kuryente… DINGDONG AT MARIAN, KASAMANG MATULOG SA ROOM ANG 2 ANAK
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 32, 2026

Photo: Instagram ni Dingdong Dantes
Aminado si Dingdong Dantes na kabilang din siya sa mga celebrities na apektado sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente at maging ng mga bilihin. Kaya nga raw talagang nag-isip na rin sila ng misis na si Marian Rivera ng mga paraan kung paano makakatipid.
“We all want to think of ways on how to save, lalo na sa monthly bills or anumang gastusin,” sey ng aktor sa media launch niya bilang ambassador ng MARSTEK Philippines na ginanap last Wednesday.
“Lahat naman po tayo, gusto natin na maging efficient ang ating pagkonsumo na ‘di naaapektuhan, kasi puwede kang maging efficient pero may kapalit, ‘di ba? Papatayin mo 'yan, ‘di mo gagamitin ito (electric appliances), pero siguro, sa isang ideal na sitwasyon, magandang efficient s’ya pero at the same time, nagagamit mo pa rin 'yung mga appliances na gusto mo para maging komportable rin po ang pamumuhay sa loob ng bahay,” aniya.
He revealed na hanggang ngayon nga raw ay magkakasama silang natutulog na buong pamilya sa isang kuwarto.
“We like sleeping in one room, pero ‘yan, ‘di naman dahil sa gusto naming magtipid, kundi dahil gusto naming makasama ang isa't isa. Magkaiba po ‘yun, bonding po ‘yun,” natatawa niyang sabi.
Kaya naman para mas lalong makatipid ay nagdesisyon na si Dingdong na magpakabit ng solar panels na isa sa mga ino-offer ng MARSTEK PH, an AI-powered energy storage brand.
At very timely din naman na siya ang napili ng nasabing kumpanya to be their newest brand ambassador.
“Bukod sa pagtitipid at kung sakaling mawalan ng electricity, malaking bagay na alam mong may backup ka, alam mong handa ka kung sakaling may isang bagay na darating, kung brownout man 'yan o sakuna. It's good to know that you’re assured na may ganitong
technology na backup,” saad ng aktor.
As the face of MARSTEK Philippines, Dingdong will spearhead the company's advertising, digital, promotional, corporate, and product campaigns, representing the brand's commitment to innovation, reliability, and excellence.
Samantala, during the interview with the press ay natanong si Dingdong tungkol sa collaboration project ng AKTOR PH with its newest member na si Coco Martin.
Ayon sa aktor ay hahayaan na lang niya si Coco na mag-announce.
“Gusto ko mang mag-share ng details pero ayaw ko munang i-spoil ang details dahil magkakaroon s’ya ng separate announcement,” aniya.
“Excited na ako maibahagi ‘yun very soon, pero for now, pinag-uusapan na namin ang detalye at nasa planning stage, at gusto ko, s’ya ang mag-announce,” dagdag niya.
When asked kung magiging part din siya ng project, sey ni Dong, “Baka... siguro. Pero inaayos namin.”
Puring-puri rin niya si Coco dahil ideya raw nito ang nasabing collab project para makatulong sa industriya.
“Ang idea na ‘to ay nanggaling sa kanya, at bilib na bilib talaga ako sa kanyang dedication at sa kanyang utak sa mga ganitong bagay na para talaga sa industriya. Ramdam na ramdam mo talaga ang kanyang pagmamahal at dedikasyon,” aniya.





Comments