BFF, nakapag-usap na raw… ANDREA, LOVE PA RIN SI BEA KAHIT BINLOCK SIYA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 1, 2026

Photo: IG _blythe & _beaborres
“Ang dami ko pong na-achieve na mga pangarap ko na ‘di ko aakalain na posible pala,” pahayag ng aktres na si Andrea ‘Blythe’ Brillantes nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa panayam ay tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda kung ano ang mga bagay na nawala at nakuha niya dahil sa pagiging bahagi ng showbiz industry.
“Well, I think because I started at a very young age, I really had to sacrifice a lot. I sacrificed my childhood. Masasabi ko na natanggal po talaga ‘yung normal experience para sa ‘kin.
“Siguro, nawala rin ‘yung konting freedom or allowance to commit mistakes growing up in front of everyone. Grabe ang expectations ng mga tao sa ‘kin kahit pa bata lang ako.
“I’m still trying to figure things out. But kahit naman ganu’n, happy ako kasi ang naibigay n’ya sa akin ay ‘yung buhay na meron ako ngayon. Naiahon ko ang pamilya ko sa kahirapan. I got to travel around the world. I get to inspire other people,” sagot ni Andrea.
Sinundan naman ito ni Boy ng tanong kung nakaramdam ba siya ng hinanakit sa mga sakripisyong kinailangan niyang gawin.
“Aaminin ko po, during that time, of course, medyo may hinanakit ako. Nagtampo ako na ‘di ko ‘to nagawa. Naging breadwinner din po ako. At bilang bata, ‘di ko maiwasan na tumingin sa ibang bata na bakit meron na sila nito. Ako, ‘di ko ma-provide for myself because I need to provide for my family,” ani Andrea.
Itinanong din ng mahusay na TV host kung paano siya pinatatag ng mga kontrobersiyang pinagdaanan niya.
“Sa totoo lang po, ang nagpatibay sa ‘kin ay ‘yung faith ko. Kasi sa dami po ng nangyari at sa paulit-ulit na ibinabato ng mga tao sa ‘kin, medyo nawalan na ‘ko ng choice kundi ang maghanap ng masasandalan.
“Nu’ng panahong ‘yun, parang iniisip ko, saan pa ba ako kakapit? Saan pa ba ako makakakuha ng lakas? Umabot na sa point na ‘di ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko kasi parang nagkaroon na ng point na end of the world na ba ‘to? Dito na ba mag-e-end ‘yung life ko?
“So, there was no other way kundi ibigay na lang lahat sa Diyos at kumapit na lang talaga ako sa Kanya. Nagtiwala na lang ako sa Kanya. Kasi ‘pag ‘di ako malakas, alam kong malakas Siya para sa ‘kin,” pagbabahagi pa ng aktres.
Samantala, napag-usapan din ang tungkol sa naging isyu sa pagitan nila ng kaibigang si Bea Borres, na binlock siya sa social media.
“Bakit binlock ka ng kaibigan mong si Bea Borres? Ano’ng ibig sabihin nu’n?” tanong ni Boy.
“I think it all started with my comment sa isang TikTok. And I kind of underestimated the kind of attention that it would get. But Bea and I already had a private conversation about this. And I will always have love for Bea. That’s all I can say for now. Ang importante, nakapag-usap naman po kami,” sagot ni Andrea.
Well, in fairness kay Andrea, kahit binlock siya ni Bea, love pa rin niya ang kaibigan
So, good vibes lang talaga!
NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang aktres na si Isabel Rivas sa lahat ng dumalo sa renewal of wedding vows ng kanyang anak na si Richard Chua at ng aktres na si Nadine Samonte.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Isabel kung gaano kasaya at kahalaga sa kanya ang naturang okasyon na naganap noong Oktubre 28 bilang pagdiriwang sa 13 taon ng pagsasama nina Richard at Nadine.
Ani Isabel, “Friends, 10/28/26 is one of the best, if not the super best, days in my life. My son Rboy & wife Nadine Chua’s renewal of vows after 13 years of marriage & now have 3 amazing children, Heather, Titus & Harmony, who witness their parents’ love that brought them to this world.
“Thank you, my Lablab (love) Victoria Lorna Fernandez & Queen Maker Ms. Cory Quirino, for your love for the family. God’s blessings to family & friends who are family to Rboy & Nadine. Thank you to all who made the celebration an unforgettable one.”
Ibinahagi rin ni Isabel ang kanyang tuwa nang tumugtog ng violin ang apo niyang si Heather Sloane Chua, panganay na anak nina Richard at Nadine, para sa first dance ng kanyang mga magulang.
“Heather, our love, played the violin for the first dance of her mom & dad… very heart warming & sooo beautiful to watch!” ani Isabel.
Samantala, naging usap-usapan din sa social media ang kakaibang dessert na inihanda nina Richard at Nadine para sa kanilang mga bisita.
Dahil Tagaytay ang venue ng kanilang renewal of wedding vows, may lokal na twist ang dessert na tinawag na ‘The Heart of Taal’. Agad itong nakakuha ng atensiyon at papuri mula sa mga bisita dahil sa witty at malikhaing konsepto nito.
Ibinahagi rin ng aktres na si Yasmien Kurdi sa kanyang social media post ang larawan nila habang dumadalo sa naturang okasyon, kung saan makikita ang paghahain ng kakaibang dessert.
Aliw na aliw ang aktres sa naisip na konsepto ng catering team.
Aniya, “Aliw ng #WeddingMenu nina Nadine Samonte Chua at Rboy Chua sa wedding. Ang witty at kakaiba ng dessert nila! Since Tagaytay ang venue, pati dessert may sariling twist ‘The Heart of Taal’.
“Aliw na aliw ako! Hahaha! Ang galing ng concept!’”
Isang malaking congratulations kina Richard at Nadine. More years of love and happiness sa inyong dalawa.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments