top of page
BIDA - COSTUME NI BARBIE BILANG POISON IVY, ISINUOT NA NI SARAH NOON_FB Circulated.jpeg

Nagsasabing oks lang ma-harass, tinawag na ‘b*bo’... KELVIN, NABASTOS NA NAKA-DATE RAW SI SAM SMITH KAPALIT NG P1 M

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 1, 2026



SPECIAL - KELVIN, NABASTOS NA NAKA-DATE RAW SI SAM SMITH KAPALIT NG P1 M_IG _iamkelvinmiranda & _samsmith

Photo: IG _iamkelvinmiranda & _samsmith



Sakto at bagay na bagay kina Kelvin Miranda, Anton Vinzon at Michael Sager ang title ng kanilang first pre-Valentine concert together na gaganapin sa January 15, 2027 sa New Frontier Theater, ang GenZ Heartthrobs, mula sa Happy Events Productions.


Walang itulak-kabigin sa tatlo kung looks ang pag-uusapan. At nang hingan sila ng sample para kumanta, in fairness, may ibubuga rin sila.


Kaya nga natanong namin ang producer-director ng concert na si Deegee Magalona de Guzman kung posible bang maging boy group ang tatlo na gamit ang pangalang GenZ Heartthrobs at sagot nito, kung may opportunity at may time ang tatlo, why not? 


Sa sobrang busy kasi ng tatlo sa kanilang individual career, ang hirap-hirap daw nilang pagsamahin, kaya ‘yun nga naman ang magiging problema kung sakali. Pero kahit sina Kelvin, Anton at Michael, game sa idea na mabuo sila tulad ng Korean boy group na BTS. ‘Yung ang guguwapo na, nakakakanta at nakakasayaw pa.


Samantala, dahil GenZ Heartthrobs nga ang title ng concert nila, natanong namin ang tatlo kung naka-experience na ba silang ma-harass sa kanilang mga shows o sa social media dahil sa dami ng nagpapantasya sa kanila.



  • GenZ Heartthrobs


Si Kelvin ang unang sumagot na marami raw siyang karanasan na nababastos lalo na sa social media. Isa nga rito ‘yung ibinato sa kanyang isyu noon na inili-link sa international singer na si Sam Smith.


Ani Kelvin, “‘Yung issue kay Sam Smith, hindi ko siya alam, eh. Bakit ako pagbibintangan ng tao na merong Sam Smith akong kinita at binayaran ako ng P1 milyon. Sino ka para husgahan ako? HIndi mo naman ako kilala. Hindi mo naman alam kung nasaan ako nu’ng araw na ‘yun. May trabaho ako nu’n.”


Dagdag pa ni Kelvin, “Offensive siya. Hindi siya nakakatuwa. Hindi siya magandang sakyan. And para sa akin, para hindi na lang siya lumaki, hinahayaan ko na lang kasi alam ko naman ‘yung totoo sa sarili ko, eh. And hindi siya importante sa akin.”


Si Anton, wala raw na-experience sa mga shows na nahipuan siya ng mga fans. Hindi rin daw siya nagbabasa ng mga comments kaya wala siyang karanasan na nabastos sa social media.


Aminado naman si Michael na bilang mga artista sila, hindi mawawala ‘yung mababastos sila, at hindi raw ito dapat ma-normalize. Ang mahalaga raw, kilala nila ‘yung sarili nila at sila ang may kontrol kung paano nila iha-handle ang mga ganitong sitwasyon.


May pahabol namang mensahe si Kelvin na obyus na inis sa mga nagsasabing okay lang na ma-harass sila dahil mga lalaki naman sila.


Mariing sabi ni Kelvin, “Hindi ganu’n ‘yun, b*bo! Nakakainis siyang pakinggan. Pangit siyang pakinggan. Pati ‘yung mga comments na, napaka-unnecessary. ‘Wag mong nila-lang ‘yun kasi sexual harassment ‘yun.” 


Well, medyo napataas man ang boses ni Kelvin sa mediacon ng kanilang GenZ Heartthrobs, tinitiyak naman nilang tatlo nina Anton at Michael na good vibes lang ang hatid nila sa kanilang audience sa concert. 


Swak na swak itong early V-Day date ng mga GenZ fans, kaya make sure na makabili na kayo ng tiket bago pa magkaubusan.





  • PAO Chief Persida Rueda-Acosta
    PAO Chief Persida Rueda-Acosta


SAYANG, nauna ang pa-get-together ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Rueda-Acosta sa Philippine Movie Press Club officers and members kasabay ng launching ng kanyang Laws of Life book – na may English version nang lalabas soon – bago ang mga pasabog ni Xian Gaza laban kay Alden Richards.


Hindi tuloy namin naitanong ang thoughts ni PAO Chief Atty. Persida tungkol sa ginawang paninira ng social media influencer sa Pambansang Bae na si Alden, na alam naming gusto rin ng abogada dahil nababaitan daw siya sa Kapuso actor.


Pero kapag nakausap uli namin si Atty. Persida, hindi namin palalagpasing itanong kung ano ba ang mga dapat kaharaping kaso ni Xian Gaza sa pag-aakusa nitong “bading” si Alden at nanghihiram lang daw ng condo at mga luxury watches na ayaw isoli sa may-ari.


Kilala pa naman namin si Atty. Persida na kalaban ng mga bully. Ayaw na ayaw nitong may naaapi, naaagrabyado at sinisiraan nang walang kalaban-laban.

Kaya nga bukod sa pagiging pinuno ng PAO, sumulat din siya ng libro para maging gabay ng lahat sa pagiging mabuting tao. 


Mas mabigat nga namang parusa ang “karma” kesa sa ipapataw ng husgado, ‘no?!

At ‘yan talaga ang ikinabibilib namin kay Atty. Acosta, kung sa usaping-batas ay pinaiiral talaga niya ang pagiging fair sa lahat kahit ano pang estado sa buhay, sa usapin ng pagiging mabuting tao ay nakabase siya sa mga utos ng Panginoon. 

No wonder na ang dedikasyon niya sa paglilingkod sa bayan ay repleksiyon ng kanyang moralidad. 


Sa ilang dekada nang pagiging chief ng Public Attorney’s Office ay hindi na mabilang ang mga natulungan ni Atty. Persida. Marami na nga ang humihikayat sa kanya noon pa na tumakbong senador upang magkaroon ng boses sa Senado na ang puso ay para sa masa, pero naniniwala si Atty. Acosta na kailangan pa siya ng PAO at marami pa siyang magagawa para sa ahensiya.


May mga nagsa-suggest na nga ring gawing pelikula ang buhay niya para maging inspirasyon sa mga naglilingkod sa gobyerno. Mukhang bukas naman sa ideyang ito si Atty. Persida, at for sure, kapag natuloy ‘yan, mas makikilala pa natin ang kanyang pagkatao sa likod ng kanyang pagiging lingkod-bayan.


Sino nga kaya ang bagay gumanap sa life story ni Atty. Persida Rueda-Acosta? 

Hmmm….

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page