top of page
BIDA - COSTUME NI BARBIE BILANG POISON IVY, ISINUOT NA NI SARAH NOON_FB Circulated.jpeg

Sinaway ng anak na si Bimby… DOKTOR NA HINIRITAN NG LIPS-TO-LIPS NI KRIS, NA-TRAUMA, ‘DI NA BUMALIK

Writer: BULGAR
BULGAR
60 minutes ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 1, 2026



TEKA NGA - DOKTOR NA HINIRITAN NG LIPS-TO-LIPS NI KRIS, NA-TRAUMA, ‘DI NA BUMALIK_FB Bimby Aquino

Photo: FFB Bimby Aquino



Napag-usapan ang love life ni Kris Aquino sa kanyang interview sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Nabanggit ng Queen of All Media ang tungkol sa doktor na unang nag-alaga sa kanya sa ospital. Wala naman siyang ibinigay na malinaw na detalye tungkol sa pangalan at pagkatao ng doktor na tinutukoy niya.


Ikinuwento rin niya ang isang insidente noong katatapos lang niyang operahan at medyo hilo pa siya sa anesthesia. Nag-request daw siya sa kanyang doktor na halikan siya sa labi, pero agad siyang sinaway ni Bimby.


Dahil sa insidenteng ito, hindi na raw bumalik ang doktor sa ward ni Kris Aquino. Mukhang na-trauma raw ito sa kanyang request. Hahaha!





MAY special participation si Ruffa Gutierrez sa pelikulang Red Crown at nakaka-relate siya sa mga experiences ng mga kandidatong sumasali sa beauty pageants.


Hindi raw malilimutan ni Ruffa ang kanyang karanasan sa pagsali sa Miss World 1993, kung saan itinanghal siyang Second Princess o 2nd runner-up.


Naranasan daw niyang masabotahe ang kanyang mga gamit sa dressing room. Na-ransack ito at nawala ang lahat ng kanyang makeup at iba pang personal na gamit. Ganunpaman, maayos naman siyang nakarampa sa kompetisyon.


Maraming pagsubok na daranasin ang mga kandidata sa beauty pageants kaya kailangang matibay ang loob at handang lumaban sa mga bullies.


Sa pelikulang Red Crown, ilalantad ang mga nakatagong sikreto sa beauty pageants. May kani-kanyang ganda at personalidad ang 25 candidates. Sino kaya ang itatanghal na ‘Ultimate Winner’?





Pamilya ng Superstar, wala raw kaalam-alam… NORA AUNOR SUPERSTAR AWARD NI BEA SA FAMAS, PINALAGAN



NAG-AANYAYA si Ian de Leon sa lahat ng Noranians na dumalo sa pa-misa para sa yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor, na gaganapin bukas, Nobyembre 2, sa puntod ng kanyang ina sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig. Inaasahan ang pagdating ng iba’t ibang grupo ng mga fans ni Nora upang muling magkita-kita at mag-bonding.


Nabanggit din ni Ian na balak nilang idaos ang isang concert sa Araneta Coliseum sa Mayo 2027, bilang tribute sa nag-iisang Superstar at National Artist para sa kaarawan nito.


Samantala, may ilang Noranians na nagtatanong kung ano ang naging batayan at criteria ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa paggawad kay Bea Alonzo ng Nora Aunor Superstar Award.


Naipaalam kaya sa pamilya ng Superstar ang tungkol sa nasabing award na mukhang ngayong taon lang ipinagkaloob ng FAMAS?





TAUN-TAON, sa tuwing sumasapit ang Undas ay naaalala namin ang maraming haligi ng showbiz na namayapa na, tulad nina Fernando Poe, Jr. (FPJ), Susan Roces, Kuya Germs, Ike Lozada, Dolphy, Helen Vela, Inday Badiday, Mother Lily Monteverde, Marichu Perez Maceda, Manoling Morato, Rudy Fernandez, Eddie Garcia, atbp..


Ganoon din ang mga veteran writers tulad nina Manay Ethel Ramos, Lolit Solis, Ricky Lo, Mario Hernando, Mario Bautista, Letty Celi, Veronica Samio, Mario Dumaual at Isah Red.


Nakakalungkot isipin na hindi na sila bahagi ng makulay at magandang mundo ng showbiz. Dasal ang aming alay sa kanilang lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page