top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tinupad kasi ang wish na baby girl… JENNYLYN, REYNANG-REYNA KUNG ALAGAAN NI DENNIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 29, 2021




Walang pagsidlan ng tuwa ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nang malaman nilang babae ang kanilang magiging anak.


Maging ang mommy ni Dennis ay masayang-masaya dahil gusto niya ng apong babae.


At sabi nga ni Jen, ipinag-novena pa raw ng kanyang mother-in-law sa Sta. Clara Shrine na maging babae ang anak nila ni Dennis.


Kuwento naman ni Dennis, feel na nilang babae ang ipinagbubuntis ni Jen. In fact, pink na ang mga pinamili nilang baby dresses kahit hindi pa nagaganap ang gender reveal ng baby.


Marami ang nagsasabing napakasuwerte ni Jennylyn dahil nakamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. Bukod sa magandang career, happy ang relasyon nila ni Dennis at ngayon, natupad ang kanyang wish na magkaroon ng anak na babae.


May anak na lalaki na si Jen, si Alex Jazz. Lalaki rin ang anak ni Dennis sa kanyang ex-GF na si Carlene Aguilar. Kaya, tama lang na magkaroon sila ni Jen ng little princess.


Dahil nasa stage pa lang si Jennylyn na naglilihi, reynang-reyna ang trato sa kanya ni Dennis.


Breakfast in bed si Jen at todo ang pag-aalaga sa kanya ni Dennis. At lagi niyang inaaliw-pinatatawa si Jen para raw masayahin din ang kanilang magiging baby.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page