top of page
BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog.jpeg

Tinupad ang pramis… JANINE, IPINAGPATAYO NG BAHAY ANG YAYA KAHIT PATAY NA

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 8, 2026



WINNER - JANINE, IPINAGPATAYO NG BAHAY ANG YAYA KAHIT PATAY NA_IG _janinegutierrez

Photo: IG _janinegutierrez



Ipinasilip ng aktres na si Janine Gutierrez ang ipinapatayo niyang bahay para sa kanyang pumanaw na yaya last year sa bayan nito sa Bicol.


Bilang pag-alala sa unang anibersaryo ng pagkamatay nito, personal na binisita ng aktres ang mga kamag-anak ng kanyang dating tagapag-alaga.


Nanghinayang si Janine na hindi na nakita ng kanyang Yaya Pat ang ipinapatayo niyang bahay, na ipinangako niya noong nabubuhay pa ito.


Sa kanyang Instagram (IG) ay ibinahagi ng aktres ang mga larawan nila ng kanyang mga kapatid sa pagbisita.


Caption niya: “Yaya, we love you and we miss you everyday. Nakakainis na ngayon lang kami nakadalaw sa inyo, kung kailan wala ka na. Akala ko, masasama mo pa ‘ko rito ‘pag matandang-matanda ka na, eh. Ang bilis na one year na, it still breaks my heart that you’re gone. 


“But maybe one day, it will all just turn into happiness and gratitude that I got to have you. You’re in my heart always. Don’t worry, tinatapos pa rin ‘yung house mo, Ya. I love you, happy one year in heaven.”


Samantala, may netizen na nakaalala sa binitiwang pangako ni Janine sa isang interview.

“I remember na isa sa mga interviews mo, pangarap mong pagawaan ng bahay si Yaya Pat. Nakakatuwa lang na kahit na wala na s’ya, tinutupad mo pa rin. Congrats, more blessings.”

Nag-reply si Janine sa comment ng netizen.


“‘Di umabot but thank you,” sambit ng aktres.

Sana all ng inaalagaang bata, paglaki ay katulad ni Janine.





Gustong umekstra, pinagbigyan…

PAPA JACK, PASOK NA RIN SA SERYE NI COCO



PINASOK na rin ni Papa Jack ang pag-arte sa telebisyon dahil mapapanood siya bilang guest star sa seryeng Coco Martin’s Sigabo.


Gaganap siya bilang si ‘Papa Love’, isang pasahero sa taxi na ipinapasada ng pangunahing bida na si Gabo (Coco Martin).


“Grabe!” reaksiyon ni Papa Jack sa panayam ni MJ Felipe. 


Sey niya, “Alam mo, sobrang ninenerbiyos po ako. Ang galing nu’ng eksena namin kasi sobrang spontaneous lang.”


Kamakailan, nagkita raw sa isang event sina Coco at Papa Jack. Doon ay sinabi niya sa aktor-direktor na sana raw ay makaekstra siya kahit Barangay Captain sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Tinandaan daw iyon ni Coco at pilit niyang hinanap ang role na babagay kay Papa Jack sa Sigabo dahil patapos na ang BQ. Sakto raw ito dahil ang trabaho nito ay nagbibigay ng love advice sa kanyang mga listeners, kaya ngayon naman ay gaganap siya bilang ‘Papa Love’ dahil nagkakaproblema ang pagsasama nina Coco at Julia Montes sa action-serye.


Sunud-sunod na ang mga sorpresa na mapapanood sa Sigabo. Bukod kay Papa Jack, magkasama muli sa isang ABS-CBN teleserye si Coco at ang veteran actress na si Gina Pareño.


Nagkasama na sina Coco at Gina sa Kapamilya teleserye na Tayong Dalawa, Juan Dela Cruz, at FPJ’s Ang Probinsyano.


Huwag palampasin ang aksiyon, drama, at kilig sa Coco Martin’s Sigabo mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant.


Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page