top of page
BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog.jpeg

Obyus naman daw buntis, ayaw pang umamin… NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 8, 2026



BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog

Photo: IG _matteog



Marami nang netizens ang naaartehan kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil tikom pa rin daw ang bibig ng celebrity couple kung buntis nga ba ang Popstar Royalty. 


Hanggang ngayon, wala pa ring direktang kumpirmasyon o paglilinaw mula sa kanilang panig. Tanong tuloy ng ilang netizens, ano ba talaga ang dahilan ng mag-asawa at tila ayaw nilang magsalita tungkol sa isyung matagal nang pinag-uusapan?


Marami na raw ang nakakapansin sa mga litrato at video ni Sarah na kumakalat online. Kapansin-pansin umano ang hitsura ng singer na mukhang buntis sa ilang recent photos kaya hindi na raw nakapagtatakang maghinala ang publiko.

Tulad na lang daw ng pagbabahagi ni Sarah ng larawan kung saan nagpagupit na ito ng hair.


Sey ng isang netizen, “‘Pag ang isang babae ay nagpaputol na ng hair, dahil ‘to sa kanyang condition, lalo pa’t buntis ito. Saka halata na rin naman sa mga kuha nilang larawan na nadaragdagan na ang timbang ni Sarah. ‘Yan ang na-experience ko nu’ng buntis ako.”


Samantala, may mga fans din na naniniwalang karapatan nina Sarah at Matteo na sarilinin muna ang anumang personal na balita, lalo na kung hindi pa sila handang magbahagi nito sa publiko. 





After banatan ni Dennis sa socmed…

GUMAMIT NG PIKTYUR NI JENNYLYN NA BUGBOG-SARADO BILANG PROPS SA B-DAY PARTY, NAG-SORRY NA



Humingi na ng tawad ang event styling company na Party Magic kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. 


Ito ay matapos batikusin ng aktor ang paggamit nila ng lumang tabloid clipping tungkol sa mapait na karanasan ng kanyang misis noong bata pa ito, na binugbog ng kanyang stepfather. Ginawa itong props sa isang ‘90s-themed children’s party.


Sa inilabas na official statement noong Nobyembre 6, inamin ng Party Magic na hindi sinasadyang naisama ang naturang dyaryo sa mga vintage materials na ginamit nilang props sa event.


“We would like to sincerely apologize to Ms. Jennylyn Mercado, Mr. Dennis Trillo, and their family for the inclusion of a newspaper clipping containing a sensitive story in one of our recent events,” saad ng kumpanya.


Paglilinaw pa nila, hindi raw nila intensiyong puntiryahin, kutyain o bastusin si Jenn at ang pamilya nito.


Pahayag nila, “We also wish to respectfully clarify that there was never any intention to target, ridicule, or disrespect Ms. Mercado or her family.”


Gayunman, kinilala ng Party Magic na mali ang pagkakasama ng naturang clipping dahil hindi dapat ginagamit sa isang masayang selebrasyon ang isang masakit at personal na kuwento.


“We take full responsibility for this oversight and deeply regret the hurt and distress it has caused,” dagdag pa nila.


Binigyang-diin din ng kumpanya na mariin nilang kinokondena ang lahat ng uri ng pang-aabuso sa bata at hindi nila kailanman gugustuhing maliitin o gawing katuwaan ang paghihirap ng mga survivors.


Nangako rin silang rerepasuhin at hihigpitan ang proseso ng pagpili at pag-screen sa mga materyales na ginagamit sa kanilang mga susunod na event upang hindi na maulit ang ganitong insidente.


“We understand that an apology cannot undo the hurt this incident has caused. Nevertheless, we offer ours with genuine remorse, humility, and respect.


“To Ms. Mercado, Mr. Trillo, and their family, we are deeply sorry,” pagtatapos ng Party Magic.


Marami ring netizens ang nagtaka kung bakit napili pa ang naturang sensitibong materyal gayung pambatang selebrasyon ang event. 


May mga nagduda kung talagang hindi napansin ng mga organizers ang nilalaman ng diyaryo, habang ang iba naman ay nagpahayag ng pagkadismaya sa kawalan umano ng pag-iingat sa pagpili ng props.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page