Palaban kahit saan… MIKEE, ANGAT SA MGA PBB HOUSEMATES

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 8, 2026

Photo: IG _mikee
Grabe naman ang comment ng ilang netizens sa Kapuso artist na si Mikee Quintos nang maging isa siya sa housemates sa Pinoy Big Brother Collab 3.0. Mas marami raw ang nakakakilala at nakaka-appreciate sa kanya ngayon, at angat na angat siya sa mga kasama sa loob ng Bahay ni Kuya.
Marami rin ang nakapansin na lumutang ang taglay na ganda ni Mikee dahil sa bago niyang hairstyle. In fact, ginagaya ngayon ng marami ang short haircut niya.
Samantala, kinilig ang mga viewers nang magkapareha sina Mikee at Raheel Bhyria sa loob ng PBB house. Sweet silang umakting sa isa’t isa, kaya inakala ng mga housemates na may something na namamagitan sa kanila.
Well, pinakaaktibo sa mga housemates ang aktres at handa siya sa anumang task na ipagagawa sa kanila. Naging bentahe ni Mikee ang kanyang mga karanasan noong nagsisimula pa lang siya sa GMA-7, at kahit nag-aartista na noon pa, hindi niya iniwan ang kanyang pag-aaral.
Hindi ikinahiya ng aktres na sabihin na 10 years bago niya natapos ang kursong Architecture sa University of Santo Tomas (UST). Ganunpaman, nagsikap siya at nagtiyaga upang maging ganap na arkitekto.
Maituturing nang asset ng GMA Network si Mikee dahil maganda, talented at professional sa trabaho. Dapat siyang alagaan ng network at bigyan ng magagandang projects.
16-anyos lang nang magka-boyfriend…
VINA, AMINADONG SI ROBIN ANG FIRST NIYA
SA isang interview, inamin ni Vina Morales na si Sen. Robin Padilla ang kanyang first love at first boyfriend.
Sixteen years old lang siya noong nagkapareha sila ng aktor-pulitiko sa isang pelikula, at doon nagsimula ang kanilang relasyon. Ito rin ang naging escort niya noong nag-debut siya.
Well, kahit na hindi nagtagal ang kanilang pagmamahalan, maraming happy memories si Vina na hindi niya malilimutan. Wala siyang regrets na minahal niya ang aktor, kahit sobra siyang nasaktan nang sila ay maghiwalay.
Naging magkaibigan sila at nagkukumustahan kapag nagkikita sa mga showbiz events.
Isa pa, alam ni Vina na masaya ngayon si Sen. Robin sa piling ni Mariel Rodriguez. Proud din siya na naging pulitiko ang dating Bad Boy ng Showbiz.
Single pa rin ang aktres-singer pero umibig siya noon sa isang non-showbiz guy at nagkaroon sila ng anak.
Ngayon, hindi na siya gaanong open sa kanyang love life, mas tumututok siya sa kanyang career. Ipinauubaya na niya sa kapalaran kung may darating na muling gigising sa kanyang puso.
HINDI madali para sa aktres-host na si Shaira Diaz ang magpaalam sa programang minahal niya sa loob ng anim na taon. Marami siyang natutunan dito at napalapit sa mga staff ng show.
Naging emosyonal siya nang magpaalam bilang co-host ni Chris Tiu sa iBilib, na idinidirek ni Rico Gutierrez.
Well, sanay na si Shaira sa pagho-host ng scientific experiment show, at swak ang tandem nila ni Chris.
Napakabait, humble at masayang kasama si Chris, kaya mami-miss ng aktres ang magandang samahan nila sa taping. Isa pa, magaan ding katrabaho si Direk Rico.
Sobrang thankful din ni Shaira sa buong production staff.





Comments