Dream daw matulad kay Marian… SANYA, PROUD NA FHM COVER GIRL NA RIN NGAYON

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 8, 2026

Photo: via Janiz Navida
Dream come true para sa Kapuso sexy actress na si Sanya Lopez ang maging FHM cover girl ngayong nagbabalik-sirkulasyon ang men’s magazine na talaga namang inaabangan at pinag-uusapan noon tuwing may bagong edition kung sino ang bagong cover girl.
“Para siyang panaginip,” simula ni Sanya nang makausap namin after ng relaunch ng FHM sa Okada Hotel last Friday night.
“To be honest, na-amazed ako. Sabi ko nga kanina, kailangang may tumapik sa akin na ‘Hello, cover girl ka ng FHM,’” sabi ng aktres na halos hindi makapaniwalang siya ang napili para maging mukha ng FHM sa bonggang relaunch.
Dati raw, pangarap lang niyang tulad ni Marian Rivera ay maging cover girl din ng FHM.
Aminado ang aktres na may pressure sa kanya ang bagong ‘feather in her cap’.
“There’s always a pressure pero I always use that pressure para mas galingan ko pa. Not to compete with other girls but para ma-inspire pa ako sa ibang kababaihan,” aniya.
Kaya nga raw gustung-gusto niya ang advocacy ng nagbabalik na FHM na women empowerment at proud siya sa maiko-contribute niya para sa mga kababaihan.
When asked kung ano’ng reaction ng boyfriend niya sa pagiging FHM cover girl niya, nagulat kami sa sagot ni Sanya, “Ahhh, may boyfriend ba ako?” sabay ngiti.
Ipinaalala namin sa kanya ang sinabi niya noon na hindi niya ide-deny kapag nagka-boyfriend siya.
Reaksiyon niya, “Wala akong sinabing hindi ko ide-deny. Wala rin akong sinabing taken ako. Pero laging nangyayari, wala akong sinasabing boyfriend ko. ‘Yung boyfriend, galing sa mga tao.”
“Wala pa akong inaamin,” pahabol pang sabi nito pero bigla ring bumawi na “I’m happy.”
Sige na nga! Kung ayaw umamin, ibigay na natin kay Sanya kesa ma-stress tayo sa sagot niya. Char!
Anyway, FHM (For Him Magazine) returns in 2026 under PlayTime Entertainment as a digital-first lifestyle, pop culture and entertainment brand.
At kung dati, gugulatin na lang tayo sa bagong cover girl ng FHM kapag na-print na ang magazine, ngayon, the new FHM begins with a person not a product.
So, bubuksan ng FHM ang pintuan para sa lahat ng aspiring Pinay na gustong maging bahagi ng exclusive digital album made for FHM’s online community across all official FHM social media platforms.
Kahapon, binuksan na ang November issue digital album at iniimbitahan ang audience na mag-join sa 4x4 Challenge sa FHM Philippine’s social media accounts.
Ang FHM Afters: The Podcast is an intimate, unfiltered audio-visual series kung saan ang mga most-loved personalities ay magse-share ng kanilang bolder and never-heard revelations.
While, FHM Nights brings premiere nightlife and venue activations that celebrate the cover stars and showcase the “new allure” in real time.
And FHM World, the brand’s luxury tier, lifts FHM into high-end lifestyle experiences, private activations and world-class style.
At siyempre, hindi mawawala ang inaabangang FHM 100 Sexiest Women.
Samantala, tiniyak naman ni PlayTime Entertainment President Crisanto Roy Alcid na kahit digital na ang FHM, magpi-print pa rin sila ng limited copy nito para sa mga diehard supporters.
Present din sa ginanap na relaunch ang PlayTime Entertainment spokesperson na si Ms. Adela Mae Marshall at ang limang Sparkle artists na tulad ni Sanya ay palaban din sa kaseksihan – sina Faye Lorenzo, Vanessa Peña, Liezel Lopez, Analyn Barro at Arra San Agustin.
Beauty queen, palaban…
ALMA CONCEPCION, SINABIHANG ‘MALUWAG’ NA, NAKIPAGBASTUSAN SA SOCMED
SPEAKING of pagiging palaban, hindi inatrasan o pinalagpas ng beauty queen-actress and Beautederm endorser na si Alma Concepcion ang kabastusan ng isang male netizen.
Ipinost ni Alma sa Facebook kahapon ang bastos na komento ng netizen at ang naging sagot niya rito.
Sabi kasi ng male netizen, “Maluwag na ‘yan p*ke mo,” na sinagot ni Alma ng “Kasi jutay naman ano mo kaya lahat maluwag sa iyo (with laughing emoji.”
Sa caption ng kanyang FB post, hiniling ni Alma na i-report ang naturang netizen dahil sa pambu-bully at harassment nito sa kanya.
Aniya pa bilang sagot sa bastos na male netizen, “Ilong mo pala maluwang kuya (laughing emoji). Pati turnilyo mo sa utak (laughing emoji).”
Tamah! Hindi porke celebrity o public figure sila, eh, puwede na silang bastusin sa social media.
Oh, eh, di nakahanap ng katapat ang bastos na netizen. Sana nga, eh, aksiyunan ng FB ang reklamo ni Alma at ‘wag nang bigyan ng platform ang mga ganyang bastos.







Comments