top of page
BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog.jpeg

Sa dami na raw ng pinagsamahan nila… MARVIN KAY JOLINA: MAHAL NA MAHAL KITA!

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
2 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 8, 2026



TALKIES - MARVIN KAY JOLINA- MAHAL NA MAHAL KITA!

Photo: _IG _marvinagustin



“Mahal na mahal kita, at lagi mo akong kakampi,” pahayag ng aktor-chef na si Marvin Agustin para sa kanyang kaibigan at ka-love team na si Jolina Magdangal.


Sa kanyang social media post, nagpaabot ito ng sweet birthday message para kay Jolens, na nagdiwang ng kaarawan noong November 6.


Ani Marvin (as is), “Happy birthday, Labtim!


“So grateful for the beautiful friendship and working relationship we've built through the years.


“Ang dami na nating pinagsamahan, and one thing will never change, mahal na mahal kita, at lagi mo akong kakampi.


“You are such a beautiful person, inside and out. Enjoy your special day, Labtim! I labs you, babe!”


In fairness, iba talaga ang samahan ng magkaibigang Marvin at Jolina. 

Happy birthday, Jolens!





IBINAHAGI ng TV host-aktres na si Pauleen Luna-Sotto sa kanyang Instagram (IG) ang sweet birthday message para sa panganay nilang anak ni Bossing Vic Sotto na si Talitha Maria ‘Tali’ Sotto, na nagdiwang ng kanyang ika-9 na kaarawan noong November 6.


Ani Pauleen, “Happiest 9th birthday to my very precious girl who is so smart, witty, empathetic, loving and kind.


“Always protect your pure heart and keep loving and worshiping God! We are very proud of you, Tali girl! We love you, forever.”


Samantala, bumuhos din ang birthday greetings mula sa mga fans at kaibigang artista ni Pauleen sa comment section ng kanyang post.


Ani Ogie Alcasid, “Happy b-day, dear (Tali).”

“Happy birthday, Tali girllll! Love you,” sey naman ni Ryzza Mae Dizon.

Makiki-Happy Birthday, Tali na rin kami!





Isinama sa serye… 

GINA, BINIGYAN ULI NG WORK NI COCO



NATUWA ang mga netizens sa pagbabalik-television ng beteranang aktres na si Gina Pareño na mapapanood bilang special guest sa ABS-CBN series na Coco Martin’s Sigabo.

Gumanap si Gina, o mas kilala bilang Lola Gets, na isang pasahero na makikilala ni Gabo (Coco) habang nagtatrabaho ito bilang undercover taxi driver.


Nostalgic reunion ito ng iconic duo na dating nagpahanga sa mga Pinoy viewers sa kanilang tambalan bilang mag-lola sa mga hit series na Tayong Dalawa, Juan Dela Cruz, at FPJ’s Ang Probinsyano.


Samantala, maraming netizens ang nagpahayag ng paghanga kay Coco dahil sa pagbibigay ng trabaho sa mga veteran actors na hindi na gaanong napapanood sa telebisyon.


Sey ng mga netizens:

“Magaling talaga si Coco, nabibigyan n’ya ng trabaho ang mga artista na ‘di na kumikita. Malaking bagay ang serye n’yang Sigabo.”


“‘Di naman po naghihirap si Gina Pareño. Gusto lang n’yang umarte dahil hinahanap ng katawan n’ya, at ‘yun ang nagbibigay sa kanya ng kasiyahan.”

“Wow, galing! Kasama na si Gina. Magaling ‘yan umarte.”


“Magaling na artista si Ms. Gina Pareño at mabait si Coco Martin.”


“Si Ms. Gina lang talaga ang tanggap kong maligalig na lola sa mga eksena (laughing emoji). Buti na lang at kinuha s’ya ulit ni Coco.”

“Welcome back po, Lola Gets!”


Huwag palampasin ang aksiyon, drama, at kilig sa Coco Martin’s Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook, at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page