top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Tinukoy ni Pang. Duterte na kurakot… CONG. ALFRED: WALANG EBIDENSIYA, MAKAKALUSOT AKO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2020
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 30, 2020




Napalitan ng lungkot ang sayang naramdaman ni Quezon City 5th District Congressman Alfred Vargas sa pagkakapanalo ng pelikula niyang Tagpuan bilang 3rd Best Picture sa katatapos na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2020 nitong Linggo, Disyembre 27. Bukod dito ay nanalo rin ang isa sa mga leading ladies niyang si Shaina Magdayao bilang Best Supporting Actress.


Nitong Lunes ng gabi kasi ay isa ang pangalan ng kongresista sa mga binanggit ni Presidente Rodrigo Duterte na "corrupt officials" sa binasa niyang listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission na may kinalaman sa infrastructure, bagay na ikinagulat ng lahat dahil kung kailan matatapos na ang termino niya ay saka naman nabanggit ang pangalan ni Congressman Alfred Vargas.


May ilang beses na rin namin siyang nakakapanayam sa mga projects niya at ramdam naman naming sinsero siya sa mga pahayag niya bilang artista at producer ng mga pelikula niya, bukod pa sa mga plano niya sa showbiz industry.


Kaya gumuho ang lahat ng paghanga namin kay Congressman Alfred nang mag-abstain siya sa pagboto sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN dahil inasahan namin na ipaglalaban niya ang network na nagbigay sa kanya ng puwang sa showbiz bago siya lumipat sa ibang TV station.


Pero sa kinakaharap ngayon ng kongresista na isa siya sa mga corrupt officials ay nagulat kami at nalungkot para kay Alfred dahil sa ilang taon niyang nakaupo ay wala naman kaming nabalitaang kurakot siya. Though, nabanggit naman ni Presidente Duterte na walang sapat na ebidensiya para mapagtibay ito.


Sa talakayan nina Manay Lolit Solis, Mr. Fu at Nanay Cristy Fermin sa kanilang FB Live kahapon nang tanghali ay idinaan na lang ito sa biro ng manager ni Alfred, “Eh, kurakot manager niya!”


Pero ayon kay Manay Lolit ay sobrang upset si Alfred sa balita.


“Naalala ko pa naman si Alfred na medyo madaling maapektuhan ‘yun kasi nu’ng ABS-CBN na nag-inhibit siya, ang dami niyang bashing na natanggap, talagang pinatay niya ‘yung phone niya, lahat. Upset na upset siya.”


Naglabas din naman kaagad ng statement si Congressman Alfred tungkol dito na sana, ma-clear ang pangalan niya sa usaping ito.


Aniya, "The President himself stated 'There is no solid evidence' and 'mentioning of names is not an indictment'. I am certain that I will be cleared.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page