Tinawag na unprofessional… VICE, LAST MINUTE, BIGLANG-ATRAS SA CONCERT NI JESSICA SANCHEZ
- BULGAR

- May 17
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 17, 2026

Photo: FB / Circulated
Nag-backout si Vice Ganda sa concert ni Jessica Sanchez kagabi, May 16.
In-announce ng It’s Showtime (IS) host na hindi na siya tutuloy sa concert bilang isa sa mga guests ni Jessica.
Naglabas ng official statement si Vice sa social media regarding his absence sa concert ni Jessica last night.
“Much as I am looking forward to perform in the said concert, I won’t be able to attend and perform due to some unforeseen circumstances,” esplika ni Vice.
Kaya kani-kanyang kuda ang mga abangers sa social media kung bakit nag-backout si Vice ng last minute.
Sey ng mga netizens…
“So, tuloy po ba si Vice sa wedding ni Bea Alonzo? Hahaha! Just curious.”
“Unprofessional naman ‘yan, nag-announce lang sa araw mismo ng concert! Baka ‘di nagkasundo sa bayad!”
“‘Di yata na-meet ang quota…”
Ano pa man ang rason ni Vice Ganda, tiyak na bibigyan pa rin ng ibang interpretation ng mga netizens, especially ng mga bashers niya.
Labs na labs daw niya…
LEA, PROUD NA PROUD SA TRANSMAN NA ANAK
PROUD na binati ni Lea Salonga ang kanyang only child at transman na si Nic Chien. Isang madamdaming mensahe ang ipinost ni Lea para sa anak sa Instagram (IG) kahapon.
Ipinost din ni Lea ang mga larawan ni Nic sa IG.
Caption ni Lea, “20!!! Already!!! To say that I’m proud of this young man would be the understatement of the year; this human is kind, funny, sensitive, empathetic, and so much fun!”
Ni-remind din ni Lea si Nic na mag-focus sa kanyang career and personal life dahil marami pang adventures ang naghihintay sa kanya.
Say pa ni Lea, “My babes (Nic), there are so many adventures waiting for you this year, and even more to come later on. With rigor, focus, healthy humor, and a solid work ethic, your dreams will come true and you'll have a blast in the process. Until then, enjoy today! Momma loves you so much! I am the luckiest one in the world to be your momma!”
Sa IG story naman ni Nic ay ini-repost niya ang pagbati sa kanya ni Lea at ang video ng pa-surprise kay Nic ng mga kaibigan niya.
Nakakabilib ang love at support na ipinapakita at ipinaparamdam ni Lea Salonga sa anak niyang si Nic Chien.
GAYA ng ibang celebrities, naglabas din ng reaksiyon si Barbie Imperial sa nangyaring kaguluhan sa Senado kamakailan.
Isang black-and-white photo ng lalaking nakatayo at may hawak na tarpaulin ang ipinost ni Barbie sa kanyang Instagram (IG) Story. Sa tarpaulin ay may nakasulat na nagpapahayag ng saloobin ni Barbie sa kasalukuyang lagay ng bansa.
Ayon sa nakalagay sa tarpaulin na naka-post sa IG Story ni Barbie, “Hindi iniidolo ang pulitiko. Sila’y trabahador ng bayan.”
Humanga ang maraming netizens sa paninindigan ni Barbie dahil sa kanyang post.
Sey ng mga netizens, “In fairness din ‘tong Barbie Imperial, maraming sinasabi at nasasabi about her personal life, pero isa s’ya sa mga vocal on political issues noon pa.”
“Nakakadismaya ‘yung mga A-lister, sila ‘yung example ng mga fans dito sa bansa. Minsan, nawawalan na ako ng gana umidolo sa kanila, katulad ni Sarah G. Parang wala lang nangyari sa kanya. Napaka-unbothered n’ya. Nakakalungkot at nakakahinayang.”
“Bikolana ‘yan. Kaya oragon ‘yan.”
‘Yun na!





Comments