Tinaob sina Sharon, Maricel, Juday at Heart… BEA, DE-BODYGUARDS NA
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 26, 2026

Photo: IG _beaalonzo
Talbog kay Bea Alonzo ang ibang top celebrities na um-attend sa isang beauty-skin care clinic event.
Napansin kasi ng mga netizens na may mga bodyguards si Bea na umaalalay sa kanya sa event, habang walang nakitang bodyguards na nakabantay kina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Judy Ann Santos at Heart Evangelista.
Sey ng isang netizen, “Queen Bea, may bodyguard.”
Feeling ng mga netizens, ngayon pa lang ay pinababantayan na nang maigi si Bea ni Vincent Co for whatever reason.
Pero tsika naman ng netizen, “Baka makunan daw.”
May alingasngas kasi na buntis na raw si Bea kaya may pa-security sa kanya sa isang event.
Inusisa rin ng ilang media people sa red carpet screening ng A Secret in Prague (ASIP) si Shirley Kuan (manager ni Bea) kung totoong buntis na si Bea.
Pero gaya ng marami, kahit si SK ay walang alam sa tunay na kondisyon ng kanyang alaga. Pati na sa kasal ni Bea Alonzo ay very limited din ang alam ni SK.
True!
Gumugulong ang usapan na si Sen. Robin Padilla ang tinutukoy na bagong artista na papasok sa Kapamilya action series na Blood vs. Duty (BVD).
Viral sa social media ang video-teaser na inilabas ng ABS-CBN para sa bagong cast members.
Ayon sa video-teaser, “Kasangga ng Karaniwan. Idolo sa bakbakan. Ang alamat ng aksiyon. Makakasama mo na. Reresbak sa Primetime. Abangan sa Blood vs. Duty.”
Caption pa nito sa X, “May matinding Reresbak sa Primetime. Abangan.”
Dahil naka-capitalize ang letters na ‘R’ at ‘P’, marami agad ang naka-gets kung sino ang tinutukoy na ‘idolo sa bakbakan’ at ‘alamat ng aksiyon’. Walang iba kundi si Robin Padilla.
Ito ang reaksiyon ng mga netizens sa pa-reveal na video-teaser ng BVD…
“Bakit naman s’ya pa?”
“‘Yung nagkakandautang-utang na kayo, pasasahurin n’yo pa si Robin Padilla, awa na lang.”
“‘Pag si boy sili ‘to, tignan ko nga mga alts paano magre-react. Pero ewwww @ABSCBN, ‘yung No. 1 supporter ng nagpasara sa inyo, bibigyan n’yo pa talaga ng showbiz comeback? Kadiri.”
Pero meron ding nagsasabi na bagay si Robin sa Blood vs Duty.
“I personally don’t agree sa casting ni RP (if siya nga ‘yun) because of his politics. But weighing things, I see that move as a business decision to pull in the Muslim viewers, esp. those who idolize and voted for him.”
Sa true lang, kung aalisin lang ang usaping pulitika, pasok na pasok si Robin sa BVD, lalo na sa side ng mga Muslim sa serye. Makakatulong talaga nang malaki si Robin sa kanyang pagganap bilang ‘mentor’ ni Gerald Anderson sa Kapamilya action series.
Bukod kina Richard Gutierrez at Gerald, mga kamag-anak ni Robin ang ibang cast members na sina Rommel Padilla at Bela Padilla.
Abangan na lang natin if true na si Sen. Robin Padilla talaga ang tinutukoy na ‘RP’ sa video-teaser ng Blood vs. Duty.




Comments