top of page
Search
  • BULGAR

Tinalo si Cedrick na wagi sa MMFF 2023… PIOLO AT DINGDONG, TIE NA BEST ACTOR SA MIFF

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 4, 2024



Ipinost ni Noel Ferrer, Spokesperson ng Metro Manila Film Festival, ang mga nanalo sa katatapos na Manila International Film Festival (MIFF) Awards Night na ginanap nu’ng Biyernes, Pebrero 2 (Sabado ng hapon dito sa Pilipinas) sa Directors Guild of America sa Sunset Boulevard, Los Angeles, California, USA. 


Ang mga nanalo sa MIFF ay ang mga sumusunod: 


Best Actor – Piolo Pascual (Mallari) at Dingdong Dantes (Rewind)

Best Actress – Vilma Santos (When I Met You in Tokyo)

Best Supporting Actress – Alessandra de Rossi (Firefly)

Best Supporting Actor – Pepe Hererra (Rewind)

Best Picture – Firefly (GMA Pictures)

Best Director – Zig Dulay (Firefly)

2nd Best Picture at Audience Choice Award – GomBurZa (JesCom Philippines/MQuest Ventures/CMB Film Services)

Best Screenplay – Angeli Atienza (Firefly)

Best Cinematographer – Carlo Mendoza (GomBurZa)

Special Jury Prize – Becky & Badette

Trailblazer Award – Mark Dacascos

Lifetime Achievement Award –  Ms. Hilda Koronel 


Magkaiba ang napiling Best Actor ng mga jurors ng MIFF sa MMFF dahil sina Piolo at Dingdong ang napili nila at natalo nila si Cedrick Juan na Best Actor sa Metro Manila Film Festival.


Same naman sa pagpili ng Best Actress category si Ms. Vilma Santos-Recto na hindi nakarating kaya’t ang leading man niyang si Christopher de Leon ang tumanggap ng kanyang tropeo.


Parehong Firefly ang napili ng MIFF at MMFF sa Best Picture category. 


Hindi naman nakarating si Zig Dulay para personal sanang tanggapin ang Best Director trophy kaya’t ang GMA Films producer ng Firefly na si Atty. Annette Gozon-Valdes ang tumanggap. 


Si Dingdong ang tumanggap ng award ni Pepe bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang Rewind


Ang aktres na si Ysabel Ortega at GMA Films producer na si Atty. Annette Gozon-Valdes ang tumanggap ng tropeo ni Alessandra para sa Best Supporting Actress. 


Ang IdeaFirst producer ng Becky & Badette na si Perci M. Intalan ang tumanggap ng Special Jury Prize kasama si Eugene Domingo. 


Samantala, ang mga jury sa katatapos na MIFF na kasama rin sa post ni Noel ay sina: 


Marie Jamora (Head of the Jury), Mari Acevedo, Leah Anova, Reggie Lee, David Maquiling at Sumalee Montano.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page