Tikom pa rin ang bibig sa kasalan nila ni Bea… VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA
- BULGAR
- 2 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 16, 2026

Photo: FB Caesar Vallejos
Humarap na sa publiko si Vincent Co noong Mayo 14 sa ginanap na event ng Puregold sa World Trade Center.
Sa gitna ng mga bali-balita tungkol sa umano’y naudlot nilang kasal ni Bea Alonzo, dumalo siya sa opening ng 2026 Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Store Convention.
Bilang presidente ng Puregold, siya mismo ang nanguna sa ribbon-cutting ceremony at pagbubukas ng three-day convention mula Mayo 14 hanggang 16.
Namataan din si Vincent kasama ang kanyang ama na si Lucio Co, chairman ng Puregold, habang nakikipag-usap sa mga VIP guests at partner brands.
Kabilang sa celebrity guests na dumalo sa event ay sina Kathryn Bernardo, Kyline Alcantara, at Angeline Quinto na nagbigay ng performances at suporta sa programa.
Samantala, noong Mayo 14 sana ang sinasabing petsa ng kasal nina Bea at Vincent sa Spain, ngunit hindi ito natuloy at may lumalabas na naman ngayong sa Mayo 26 daw na-reschedule.
Habang nasa Pilipinas si Vincent para sa family business event, napaulat namang nasa Spain si Bea kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Ayon sa ilang showbiz insiders at ulat mula sa entertainment media, ‘officially off’ umano ang kasal sa itinakdang petsa. Isa sa mga sinasabing naging isyu ay ang umano’y hindi pa pagkakasundo ng magkabilang panig tungkol sa prenuptial agreement.
Sa ngayon, wala pa ring inilalabas na opisyal na pahayag sina Bea Alonzo at Vincent Co tungkol sa tunay na estado ng kanilang engagement.
Pagkakataon na sanang makuhanan ng pahayag si Co, pero tila todo-iwas umano ang businessman sa media.
May matapang na pahayag ang aktres na si Kaila Estrada sa social media sa gitna ng umiinit na mga usaping pampulitika sa bansa.
Sa kanyang Instagram (IG) Story, muling ibinahagi ng aktres ang isang pahayag na tumatalakay sa pagiging mulat ng kabataang Pilipino sa mga kasalukuyang pangyayaring gulo at korupsiyon sa pulitika, lalo na sa usapin ng pananagutan at pamumuno sa nalalapit na halalan sa 2028.
Sey ni Kaila, “Nanonood at nakikinig ang mga kabataan. Nakikita natin ang mga nangyayari, at aalalahanin natin ang mga desisyon at aksiyon na ginagawa ngayon.
“Darating ang 2028, at maraming tao ang gagamit ng kanilang mga tinig at boto upang humingi ng mas mahusay na pamumuno at pananagutan para sa bansa.”
Mabilis na umani ng reaksiyon online ang naturang post, kung saan marami ang nagpahayag ng suporta kay Kaila dahil sa paggamit niya ng kanyang plataporma upang hikayatin ang kabataan na magkaroon ng political awareness at civic engagement.
Bagama’t wala nang idinagdag na komento ang aktres sa kanyang post, marami ang naniniwalang sumasalamin ito sa lumalakas na panawagan ng mga kabataan para sa transparency, accountability, at responsableng pamamahala.
Si Kaila ay anak nina John Estrada at Janice de Belen. Patuloy siyang pinupuri hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte kundi maging sa pagiging bukas niya sa mahahalagang isyung panlipunan.

