Throwback photo niya, inilabas… KAY PAOLO: HAYUP KA!
- BULGAR

- May 19
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 19, 2025
Photo: Kaye Abad at Paolo Contis - IG
Isa si Paolo Contis sa mga nag-greet ng “Happy Birthday” sa kaibigan niyang si Kaye Abad.
Isang throwback photo ang ipinost ng aktor at saka nilagyan ng caption na: “Happy Birthday, @kaye_abad.”
Nang makita ni Kaye ang napiling picture ni Paolo, isang hilarious but witty reaction ang nasabi ng aktres.
Ini-repost ni Kaye ang posted photo ni Paolo at ibinahagi sa kanyang Instagram (IG) account.
Ine-expect ng mga netizens na magte-thank you ang aktres sa birthday greetings ng aktor, pero nagulat sila dahil ang caption ni Kaye (as is): “Hahahaha! hayup ka!”
Ang throwback photo kasing ipinost ni Contis ay batambatang Kaye na may super short hairstyle at nakasuot ng pink top. It was a blast from the past that instantly caught netizens’ attention on social media.
Hindi ito ang unang beses na biniro ni Paolo si Kaye. Last March ay ginawa na rin ito ni Paolo sa aktres nang um-attend sila ng renewal of vows ng mag-asawang Patrick Garcia and his wife, Nikka Garcia, in Boracay.
Ang ipinalit daw ni Kobe sa ex-GF…
HITSURA NI KYLINE, GINAGAYA NI RHAILA
MAY post si Kyline Alcantara sa kanyang Instagram kung saan siya ay nagwo-workout.
Aniya sa caption, “We hustlin.’”
Komento naman ng mga netizens, “Go Ky (Kyline), tingnan ko lang kung ‘di ka pa rin kilala nu’ng isang social climber na naka-ride sa kasikatan mo.”
Nabanggit kasi sa isang panayam kay Rhaila Tomakin, ang girl umanong ipinalit ni Kobe Paras sa Kapuso actress, na hindi raw niya kilala si Kyline.
Sey ng mga netizens:
“Yeah, ‘di raw kilala but copying Kyline’s look.”
“Truest... to the highest level ‘di naman relevant... sumikat ka na, girl, dahil kay Ky, pero ang layo mo.”
“Hindi lang sa kasikatan ni Ky sumakay, pati sa kandungan ni ano (Kobe).”
“Singerist ‘yan, idol talaga niya si Ky at lahat ginaya niya, kaso sa talent.”
“Even ang mukha, napakalayo n’ya kay KYLINE, gaya-gaya.”
“True, feelingera, eh, like ‘di raw kilala si Kyline pero hinarot ‘yung guy na laging kasama ni Ky.”
“‘Di ka raw niya kilala kasi Disney Channel child s’ya, inglesera, halata naman daw siya. And s’ya na pala nag-announce ng breakup n’yo, matagal na raw. And lastly, she wish you well and happiness.”
“Kyline Alcantara you’re a truly Unbothered Queen with high value. Grabe ka, ang dami nang nakisakay sa kasikatan mo, even ‘yung booking girl. Go, Kyline, this generation you're one of the biggest stars.”
“We love a STRONG Queen.”










Comments