top of page
Anne Curtis-Smith - IG.jpg

Magkakabati at magbabalikan din daw… JOHN LLOYD AT ISABEL, NOT ONCE BUT MANY TIMES NANG NAG-COOL-OFF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 26, 2026



Isabel at John Lloyd - IG somethingstarwars

Photo: Isabel at John Lloyd - IG somethingstarwars



Dahil mahigit isang linggo nang deactivated ang Instagram (IG) account ng GF ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos, inakala ng marami na totoo ngang break na sila, lalo na’t may mga cryptic posts si Isabel sa Instagram bago siya nag-deactivate.


Senyales daw ito na may problema sa kanilang relasyon ni JLC na nauwi na nga sa paghihiwalay.


Pero depensa naman ng mga kaibigan nina Isabel at Lloydie, ilang beses na raw nag-cool-off ang dalawa. Maaaring may tampuhan na naman sila ngayon. 


Ang tiyak, lilipas din daw at magkakabati o magkakabalikan din sina Isabel at John Lloyd.

Well, depende rin siguro sa mga susunod na kaganapan sa buhay ni JLC kung maaayos ang problema nila ni Isabel Santos.


Busy ngayon si Lloydie sa paghahanda ng sitcom nila ni Ellen Adarna kasama sina Bayani Agbayani at Rufa Mae Quinto.


May request naman ang mga Bea Alonzo-John Lloyd Cruz fans na muli silang gumawa ng pelikula. Missed na missed na raw nila ang tambalang Basha at Popoy.


Well, why not? Pareho na rin silang single ngayon. Baka sila talaga ang itinakda para sa isa't isa, hindi kaya? 


Tiyak namang kikita ang reunion movie nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.



MALAPIT nang maging trentahin (30 years old) ang Kapuso Princess na si Barbie Forteza. Kaya naman, ine-expect ng kanyang mga fans na magkakaroon na siya ng seryosong relasyon at puwede nang magpakasal.


Matagal din ang naging relasyon nila ng kanyang ex-BF na si Jak Roberto. But sad to say, nauwi rin sa paghihiwalay.


Wala raw third party involved at ayaw nang magbigay ng detalye ni Barbie sa dahilan ng breakup nila ni Jak.


Labis na nanghihinayang ang mga fans nina Barbie at Jak. Marami silang happy memories together na mahirap kalimutan.


Ganunpaman, nakaya ng aktres ang maka-move on dahil naging busy siya.

Samantala, maraming fans ang natuwa sa latest post ni Barbie Forteza kung saan nakasuot siya ng wedding gown. 


Bukod sa project nila ni Sharon Cuneta na Honor Thy Mother, may bagong comedy-drama siyang gagawin, ang Saving Cherry (SC) under Regal Entertainment. Para rito ang eksenang naka-wedding gown siya. 


Wish ng mga fans na mahanap na niya ang kanyang ‘the one’ upang matupad ang pangarap niyang maging bride.


Pero at this point of Barbie’s life, mukhang matatagalan pa itong mangyari. Super busy siya ngayon at hindi niya prayoridad ang kanyang love life.

Hanggang sa serye at pelikula na lang muna mangyayari ang kanyang pagpapakasal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page