top of page
Anne Curtis-Smith - IG.jpg

ANNE, NILEKTYURAN NG NETIZEN SA PAGTUTOL NA BABAAN ANG EDAD NG MGA BATANG MAKUKULONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 60 minutes ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 26, 2026



Anne Curtis-Smith - IG

Photo: Anne Curtis-Smith - IG



Nakikipagsabayan si Anne Curtis kay Heart Evangelista sa pagrampa sa mga international fashion events. Kung si Heart ay galing sa Shanghai, si Anne naman ay nasa Singapore para sa Tiffany & Co. event.


Kasabay din niyang um-attend sa event si Win Metawin, isang sikat na Thai actor, at iba pang celebrities. In fairness, hindi nagpahuli si Anne sa ibang celebrities sa dami ng mga fans na nagkagulo sa kanya. Maririnig na ang daming tumawag sa kanyang pangalan, kasunod ang sigawan.


And speaking of Anne, may open letter sa kanya si Cho Moreno at kinol-out ang pagtutol niya na babaan ang edad ng criminal responsibility ng mga menor-de-edad. Naniniwala si Anne na mas dapat ang rehabilitation kaysa makulong at harapin ang parusa.


Maganda ang open letter at ang daming inilatag na facts para ipakita kung bakit mali ang paniniwala ni Anne Curtis. Ang comment ng mga netizens, sana ay mabasa ito ng aktres at baka sakaling magbago ang paniniwala nito.



Masaya ang mga shippers ng RyBimb love team nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino dahil tinawag ni Kris Aquino si Ryzza na “My future daughter-in-law”. 


Bumisita kasi si Kris sa Eat… Bulaga! (EB!) kahapon at nang lumapit si Ryzza kay Kris para bumati, ‘yun agad ang bati sa kanya ng mom ni Bimby.


Tinukso pa ni Kris sina Ryzza at Bimby. Siya raw ang pumili ng wardrobe ni Bimby at nang makitang may letrang ‘R’ sa long-sleeved t-shirt, binili niya agad. 


Pinansin din nito na malaki raw ang iginanda ni Ryzza Mae kaya nagsigawan ang audience. 


Ibig sabihin daw, tanggap ni Kris si Ryzza kaya layag na layag ang love team ng dalawa. May mensahe pa nga si Kris kay Ryzza sa pagkikita nilang iyon na sigurado namang ipinagpasalamat ni Ryzza.


Nakarating kay Kris ang kuwento ni Ryzza nang mag-guest sa Toni Talks (TT) ni Toni Gonzaga na nakaranas siya ng pang-aapi sa kapitbahay. 


Ang paalala ni Kris kay Ryzza, “And du’n sa nabalitaan kong nang-aapi sa ‘yo, don’t mind them because success is the best revenge.”


Nakaganti rin naman si Ryzza dahil nabili nito ang bahay ng kapitbahay na nang-api sa kanya at sa kanyang pamilya. Hindi lang nabanggit kung sa nabiling bahay ng kapitbahay sila nakatira ngayon.


Anyway, first live TV appearance ni Kris Aquino iyon na ikinatuwa ng kanyang mga fans na matagal nang naghihintay na muli siyang mapanood sa telebisyon. Si Bimby lang daw pala ang magiging dahilan para muli siyang lumabas at mapanood.



NASA South Korea si Bianca Umali ngayon dahil sa World Vision at sa mga video at photos na isine-share nito, makikitang nag-e-enjoy siya. 


Sumabak pa ang aktres sa Global 6K at ipinamalas na kayang-kaya niyang takbuhin ang tinakbo ng mga participants.


Sabi ni Bianca, “I am truly honored to be present today at the Global 6K.

“Beyond grateful to be joining participants from different parts of Korea and from many countries around the world, all united by one shared purpose—to help give children access to clean water and a better future.


“I am here representing World Vision Philippines, and I carry with me the hope, stories, and dreams of the children and communities we serve.


“In the Philippines, many children still walk long distances every day just to access safe water, something many of us often take for granted.


“Today, we run not only for fitness but for awareness, and more importantly, for action. Every step we take is a reminder that together, we can help create real and lasting change in the lives of children.”


Nami-miss na ni Ruru Madrid si Bianca at madalas ang comments nito ay “I miss you,” “Maganda ka pa sa umaga,” “Ayyyy,” at “I miss you, my love.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page