Boto para kay Bimby, ang laki raw ng iginanda… KRIS KAY RYZZA: MAG-KISS KA SA MOTHER-IN-LAW MO
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 26, 2026

Photo: Team Ryzza - FB
Sa unang pagkakataon ay nagpakita na si Kris Aquino sa telebisyon matapos ang ilang taon. Kinailangan pa ang kanyang bunsong anak na si Bimby Aquino Yap, Jr. para mapabalik sa TV ang Queen of All Media.
Bumulaga si Kris sa studio ng isang noontime show para suportahan si Bimby. Agad na sinalubong ni Bimby ang ina at si Ryzza Mae Dizon ay tumakbo pa talaga papalapit kay Kris.
Bungad ni Kris kay Ryzza, “Mag-kiss ka sa future mother-in-law mo.
“I love you. Ang ganda mo ngayon. Ang laki kaya ng iginanda mo. I think dahil may nagpapaganda sa ‘yo.”
Samantala, sinabi pa ni Kris kay Ryzza na siya ang ‘wardrobe’ ni Bimby. Meaning, siya ang bumibili at namimili ng mga isusuot ng anak.
Siyempre, super ang reaksiyon ng mga netizens sa muling paglitaw ni Kris sa telebisyon.
“Natutuwa naman akong makita si Miss Kris.”
“Parang mas bumata, ah.”
“Tumaba na s’ya. May gamot pa sa braso n’ya. Talagang nagpunta pa s’ya d’yan para suportahan ang anak n’ya at si Ryzza. Ang suwerte ni Ryzza kung sakaling magkatuluyan silang dalawa ni Bimby sa future kasi bukod sa mayaman sina Bimby, napalaki rin naman s’yang mabuti ni Ms. Kris.”
“Natuwa naman ako du’n sa ‘Mag-kiss ka sa future mother-in-law mo.’”
Alam na this!
TANGGAP ng mga fans ni Andrea Brillantes ang kanyang alter ego na si Ramona.
Singer, dancer at rap artist si Ramona. Kamakailan ay inilunsad na ang kanta na pinamagatang Laguna sa iba’t ibang streaming platforms.
Sunud-sunod din ang gigs ni Ramona para sa promo ng kanyang kanta at solo shows.
Bilib ang mga nakapanood kay Andrea sa husay niyang mag-perform bilang Ramona sa kanyang bar tour.
Sey ng mga fans…
“Ganda mo talaga. Astig mo, #Ramona Andrea Brillantes. Yesterday at the 12 Monkeys Hall Bar.”
“Love the alter ego.”
“Gandang rakista naman n’yan, Ramona.”
Andrea Brillantes as Rockstar Ramona. Puwede!





Comments