Thoss, takot sa COVID-19, magreretiro na sa PBA
- BULGAR
- May 19, 2021
- 2 min read
ni MC - @Sports | May 19, 2021

Hindi na lalahok si Sonny Thoss sa training ng Alaska Aces bilang paghahanda sa 46th PBA sa Hunyo dahil nagdesisyon na itong magretiro bunsod nang pangamba sa kalusugan dahil sa COVID-19.
Ayon kay Aces head coach head coach Jeff Cariaso, ang 39-year old na si Thoss ay nag-abiso na hindi maglalaro sa squad matapos makakuha ang koponan ng go-signal upang magsagawa ng full physical training dahil gusto na umano nitong magretiro. “Sonny will not join the team when we resume,” ani Cariaso. “Honestly, it’s not official but he’s pretty much set to retire.”
Tanging sa Alaska lang naglaro si Thoss mula nang makuha ito ng team noong 2004 kung saan natulungan nito ang franchise na makuha ang tatlong titulo at isang Finals MVP crown noong 2013 Commissioner’s Cup. Lumahok din ang 6-foot-7 basketball star ng 12 times sa PBA All-Star event at naging miyembro ng Mythical First Team sa loob ng dalawang taon mula 2010 at 2011. Kahit malaking bahagi ito ng team sa mga nakaraang taon, nagdesisyon ang dating fifth overall pick na hindi lumahok sa 2020 Philippine Cup sa bubble sa Clark dahil umano sa pangamba sa kanyang kalusugan.
Samantala, mas pinili ng mga manunugal sa Las Vegas ang Brooklyn Nets na magiging kampeon ngayon season kumpara sa defending champion na Los Angeles Lakers at Clippers. Ayon sa mga manunugal at kritiko, mas maganda ang performance ng Nets ngayon season na hawak ang No. 2 spots sa Eastern Conference kumpara sa Los Angeles na nalaglag pa sa play-in para sa No. 7 at 8 sports sa Western Conference.
Unang makakalaban ng Lakers sa play-in ang Golden State Warriors na pinangungunahan ni scoring champion Steph Curry. Pero inaasahang daraan sa butas ng karayom ang Nets upang makuha ang kampeonato sa NBA dahil kailangan muna nilang talunin ang Milwaukee Bucks at ang Eastern Conference champion Miami Heat.





Comments