top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

Thompson, Holt at Aguilar kumilos para sa 2-1 na panalo ng Kings vs. 5G

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 8, 2026



Naggigirian sa gitna sina Roger Pogoy ng Tropang 5G habang hawak ni Justin Brownlee ang bola sa Game 3 finals ng PBA Commissioners Cup. (Gen Villota)

Photo: Naggigirian sa gitna sina Roger Pogoy ng Tropang 5G habang hawak ni Justin Brownlee ang bola sa Game 3 finals ng PBA Commissioners Cup. (Gen Villota)



Laro sa Miyerkules - Araneta 7:30 PM TNT vs. Ginebra



Tumalab ang mga aral para sa Barangay Ginebra upang maukit ang 116-102 panalo sa defendung champion TNT Tropang 5G sa pangatlong laro ng 2026 PBA Commissioner's Cup Finals sa MOA Arena. Inagaw ng Gin Kings ang mahalagang 2-1 bentahe sa seryeng best-of-seven.


Ibang Barangay ang dumating kumpara sa natalo noong Game Two, 94-101. Uminit agad si Stephen Holt para sa 15 puntos at madaling nakuha ang unang quarter, 35-16. Lumaki ang agwat sa 57-35 sa salpak ni Japeth Aguilar at tres ni Scottie Thompson. Naging sapat na ito at may sagot ang Gin Kings tuwing nagbabanta ang Tropa.


Nagsama si Jordan Heading, Roger Pogoy at Chris McCullough para sa huling hirit ng TNT, 89-96, subalit pinalamig ito agad ng four-points ni RJ Abarrientos.


Humabol ng kanyang four-points si Pogoy pagsapit ng huling dalawang minuto, 97-108, subalit sinigurado ng foul-counted ni Best Player Justin Brownlee at tinuldukan ng three-points ni Holt at malakas na dunk ni Troy Rosario, 116-98. Umapoy si Brownlee para sa 41 habang 23 si Holt.


Triple double si Thompson na 17, 11 rebound at 11 assist. Linabanan ni McCullough ang suliranin sa foul at nagtala ng 44 at 13 rebound. Sumunod sina Pogoy na may 28 at Heading na may 11. Samantala, malalaman bago ang Game Four ang Best Player of the Conference at Best Import. Gaganapin ito ngayong Miyerkules sa Araneta Coliseum. (A. Servinio)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page