This is it, guys!... ELLEN AT ANAK, BITBIT NI DEREK SA RESORT SA BATANGAS

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 31, 2021

Wow, ha?! Mukhang napapadalas ang bonding ngayon nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.
Pagkatapos nga nu'ng first night na inimbitahan ni Derek si Ellen kasama sina Ruffa Gutierrez, John Estrada at ilan pang kaibigan nila sa kanyang yayamaning balaysung, 'di ba't nasundan pa 'yun ng pagbalik ni Ellen sa bahay ni Derek?
'Yun 'yung time na nabuking sila ni MJ Marfori ng TV5 na habang iniinterbyu niya si Ellen ay nandu'n pala ito sa bahay ni Derek.
At ang latest, nag-post si Ellen sa kanyang Instagram Story nu'ng Huwebes (January 28) ng video niya kasama si Derek at ilan nilang kaibigan habang nag-iinuman sa gilid ng pool.
Nagpunta pala ang grupo nilang magkakaibigan sa isang resort sa Anilao, Batangas at makikita sa mga ipinost na larawan ni Ellen sa kanyang Instagram account na kasama rin niya ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto na nag-enjoy sa pagsu-swimming.
In fairness, wala namang post si Ellen ng mga super sweet photos at videos nila ni Derek para pag-isipan silang may relasyon na. Pero dahil magkasama nga sila roon at hindi naman nakita nang 24 oras ng mga netizens ang kanilang ginawa, may mga nag-iisip siyempre na nasa 'getting to know' stage siguro ngayon sina Ellen at Derek lalo't mukhang may common denominator din sila — alak pa more! Char!
O, 'di ba, ganyan din nagsimula noon sina Ellen at John Lloyd, 'yung pagimik-gimik, drinking buddies hanggang nauwi sa pagkakaroon ng napaka-cute na Elias Modesto?!
So, let's wait and see na lang kung saan hahantong sina Ellen at Derek. Malay natin, sila na nga talaga ang pinagtagpo at hopefully… itinadhana!





Comments