top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Aktor, kahit may dyowa… JOSHUA, UMAMING SPECIAL SA KANYA SI JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
4 days ago
4 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 15, 2026



Julia Barretto at Joshua Garcia - IG

Photo: Julia Barretto at Joshua Garcia - IG



Ibinulgar ng aktor na si Joshua Garcia na may special place sa puso niya ang aktres na si Julia Barretto.


Sa panayam sa YouTube (YT) channel ni Benedict Cua, nagbahagi ang aktor ng kanyang pananaw tungkol sa love team at kung mayroon bang partikular na kapareha na pinagsisihan niyang makapareha.


“No,” mabilis na sagot ni Joshua.

Paliwanag niya, “Ang saya ng love team, dude. It’s a journey. You get to experience something na napapanood mo lang. Kasi my first sa sinehan, KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), ‘yun ang first ko na mag-sine talaga, na napanood ko. Ang saya rin ng love team, ang dami mong matututunan.”


“Pero mas masaya if you are like John Lloyd (Cruz) na you get to be paired with anyone,” dagdag pa niya.


Napag-usapan din nila ang pagiging intense ng mga Pinoy pagdating sa love team.

“Yes, alam mo naman tayong mga Pilipino, mapagmahal tayo,” sey ni Joshua.


Aniya, bahagi ng journey ng isang artista ang pagkakaroon ng love team na dapat yakapin at pahalagahan.


“Hindi, not at all. It’s part of your job, it’s part of your journey. You have to embrace it. ‘Di lahat nabibigyan ng ganyang (pagkakataon), like me, with Julia,” paliwanag ng aktor.


Nang tanungin naman tungkol sa relasyon niya sa aktres, nakangiting sagot ni Joshua, “I love Julia, may special place s’ya sa aking puso.”


Samantala, tinanong din siya ni Benedict kung nakasasama ba sa career ng isang artista ang pagkakaroon ng karelasyon.


“Hindi. For as long as alam mo ‘yung ginagawa mo and you are professional pa rin sa craft mo, passion mo pa rin s’ya,” sagot ni Joshua.


Inamin din ng aktor na kasalukuyan siyang may non-showbiz girlfriend at hindi ito hadlang sa kanyang trabaho.


“I’m in a relationship right now, non-showbiz. (Ang) Ginagawa ko lang ay 100% sa work ko. And ‘yun na rin ‘yung ginagawa ko kasi bago pa naging kami. So, parang kahit ano pang gawin ko r’yan sa work ko, ‘di naman talaga s’ya magagalit,” dagdag niya.


Ang tinutukoy ni Joshua na non-showbiz girlfriend ay ang French-Filipina athlete at golfer na si Emilienne Vigier.





‘Di alam na buntis, magbabakasyon lang sana…

MISIS NI NIKKO, MAY ECTOPIC PREGNANCY, BIGLANG NAOPERAHAN SA SINGAPORE



MASAYANG birthday celebration sana sa Singapore ang bonding ng pamilya ng aktor na si Nikko Natividad, kasama ang kanyang misis at mga anak, pero nauwi sa matinding pag-aalala ang kanilang biyahe matapos isugod sa emergency room si Cielo.


Sa kanyang social media post, ikinuwento ni Nikko na hindi nila alam na anim na linggo nang buntis ang kanyang misis at kinailangan itong operahan agad matapos matuklasang may ectopic pregnancy.


“Pumunta kami ng Singapore para mag-celebrate ng birthday ni misis. Isinugod s’ya sa ER (emergency room). ‘Di namin alam na 6 weeks na pala siyang pregnant. Wala kaming choice kundi ipaopera s’ya agad-agad dito dahil delikado raw at may ectopic pregnancy s’ya. Nakakalungkot dahil s’yempre, nawalan kami ng anak.


“Pero ang dasal ko ngayon, maging okay si wife. Six hours na, ‘di pa rin siya lumalabas sa operating room. Sa mga kaibigan, pamilya namin, we need your prayers,” saad ni Nikko.


Anyway, get well soon, Cielo. Praying for your speedy recovery.





MAKAKASAMA ang mga pinakamalalaking stars at mga bagong talents sa bansa sa mas pinahabang concert experience ng ASAP XP, na mapapanood na sa Sunday primetime mula 7 PM hanggang 8:45 PM simula October 18, hatid ang mas maraming kantahan, sayawan at kilig.


Sabay-sabay itong mapapanood sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa Facebook (FB) at YouTube (YT). Available din ang programa sa iWant at TFC.


Matapos pasayahin ang mahigit 8,000 Cabalen sa back-to-back shows sa Pampanga, tuloy ang saya sa ASAP XP sa pasabog na opening number mula kina Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Erik Santos, Bamboo, Belle Mariano, Robi Domingo, Alexa Ilacad, Maymay Entrata, Kai Montinola, AC Bonifacio, Jane de Leon at Darren Espanto, kasama sina Dylan Menor, Carmela Lorzano, Gianna Huelgas, Selina Griffin, Kaitlyn King, Chan Martin, Celyn David, Keisha Serna, Nico Matugas, Patrick Ballesteros at Spencer Capistrano.


May hatid namang kilig ang performances ng The Loyalty Game stars na sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez, at ang Always Yours, Never Mine stars na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.


Makibirit naman kasama ng TNT (Tawag ng Tanghalan) Divas na sina Carmelle Collado, Lyka Estrella, Arvery Love Lagoring at Marielle Montellano, New Gen Divas na sina Alexa Ilacad, Kai Montinola, Esang De Torres at Elha Nympha, at TV5 Divas na sina Kaitlyn, Selina, Gianna at Carmela. 


Makikisaya rin ngayong Linggo sa ASAP XP ang OPM band na Aegis.

Huwag ding palampasin ang reimagined version ni Ogie Alcasid ng Nandito Ako at ang bonggang collab niya kina Carmelle at Elha. 


Makisaya naman sa dance number ng love teams na sina Seth Fedelin at Francine Diaz, Alexa at Gelo Rivera, Kai at Jarren Garcia.

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page