Third party din! NON-SHOWBIZ GIRL, DAHILAN NG HIWALAYANG RAYVER-JULIE ANNE
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 19, 2023

Tiyak na magre-react at hindi papayag ang mga diehard JulieVer fans sa prediction ng isang psychic na magkakahiwalay din ang kanilang mga idolong sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Ideal couple pa naman sina Julie Anne at Rayver. May chemistry at match na match ang kanilang personalidad. Good boy naman ang image ni Rayver kaya tanggap siya ng mga fans ni Julie Anne.
Pero ayon sa psychic na si Gloria Escoto, may papasok na third party sa relasyong JulieVer at ito ang magiging dahilan ng kanilang breakup. Si Rayver ay mai-involve sa isang non-showbiz girl.
Well, ‘wag naman sanang mangyari ito sa tambalang JulieVer. Marami ang nagsasabing bagay sila at “meant for each other”. Kaya, wish ng kanilang mga tagahanga na sila na ang magkatuluyan.
Ayaw ng mga solid fans ng Limitless Star na muli itong mabigo sa pag-ibig at muling masaktan. Kaya ngayon pa lang ay pinapayuhan na ng mga fans si Rayver na maging maingat sa mga babaeng nagpaparamdam sa kanya.





Comments