top of page

Third party daw sa hiwalayang Paolo-LJ… YEN, TINAWAG NANG KABIT NG NETIZENS,

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2021
  • 2 min read

Updated: Sep 6, 2021

NILAIT PANG 'DI NAMAN MAGANDA.


ni Julie Bonifacio - @Winner | September 05, 2021



ree

Nananatiling tahimik si Paolo Contis pagkatapos lumaki ang isyu ng hiwalayan nila ni LJ Reyes.


Maging ang pagkalat ng piktyur at video niya with the "mysterious girl," waiting to hear his reaction pa rin ang madlang pipol.


Sa ngayon, ipinagpipilitan ng mga netizens na ang babaeng kasama ni Paolo sa video/pictures ay si Yen Santos. Pero si Yen, quiet pa rin.


Tuloy, nag-usbungan ang statement ni Yen sa isyu ng "kabit" during the airing ng teleserye nila noon na Halik sa ABS-CBN with Jericho Rosales and Yam Concepcion.


"May kani-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumasok sa ganyang sitwasyon. Siguro isipin muna nila 'yung consequences na puwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na puwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli," part ng statement ni Yen noon.


Nagtalu-talo naman ang mga netizens kung ano ang difference ng "kabit" sa "third party." Kasi nga raw, hindi naman kasal sina Paolo at LJ.


"Palusot d'yan HINDI NAMAN KASAL pa'no natawag na kabit? Imbyernes."


"Can someone enlighten me... 'di ba, kabit is third party in English? So, puwede kang tawaging kabit kapag nakikiapid ka kahit man jowa lang. Medyo nalilito kasi ako sa daming matatalino sa socmed. Kesyo dahil hindi raw sila kasal, the "other" woman or man is not considered kabit."


"For me, it's still kabit. Mga kapwa mang-aagaw kasi 'yung mga nagtatanggol na ganu'n, sis."

"Yes, kabit kahit asawa, live-in partner or GF!"


"For me, kasal or not, basta kumabit ka sa isa na hindi naman in an open relationship, kabit ka na. AH UHM!"


Samantala, ang daming namba-bash kay Yen sa socmed kahit 'di pa naman sure na siya na talaga ang babaeng nauugnay kay Paolo ngayon.


"Never din ako nagandahan sa babaeng ‘to. Napaka-ordinary looking lang, hindi artistahin 'yung beauty."


"Ito ba 'yung sinasabing 'di magaling umakting?"


"Pansin n'yo ba, wala siyang friends sa showbiz? Parang maarte ang babaeng 'to."


But in fairness, may nagtanggol naman kay Yen.


"Hindi siya magandang-maganda pero may appeal. May appeal sa mga lalaki for you know what reason."


'Yun na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page