top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Thai stars, mas guwapo raw, mas tinilian ng Pinoy… GMMTV, INILAMPASO NG TEAM NI GERALD SA ALL-STAR GAMES 2026

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 minutes ago
  • 3 min read

by Janiz Navida @Showbiz Special | August 25, 2026



GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic

Photo: GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic



Longest coverage ever naming masasabi ang ginanap na All-Star Games 2026 ng Star Magic sa SM Mall of Asia Arena nu’ng Sunday.


Imagine, 1 PM pa lang ay nasa MOA na kami, almost 2 PM na yata nag-start ang Juniors Basketball Division na ang mga players siyempre ay Star Magic stars kung saan team captain si Seth Fedelin ng Team Shooting Stars Red vs Blue Team na si Dylan Yturralde naman ang team captain.


Nag-champion ang Blue Team na binubuo nina Rave Victoria, Wakin Canlas, Rocky Labayen, Jan Silva, Marc Nanninga, Binsoy Namoca, Dustine Mayores, Josh Worsley, Iñigo Jose, Diego Gutierrez at Dylan Yturralde sa score na 55-35.


Pero in fairness, kahit natambakan ang Red Team nina Seth Fedelin, Joaquin Arce, Ice Almeria, Andrez Del Rosario, Lance Lucido, Russu Laurente, JP Cabrera, Marc Santiago, Fred Moser, BGYO’s Mikki Claver, and Robbie Jaworski, ibinigay pa rin naman nila ang best nila.


Ang anak nina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez na si Diego ang itinanghal na MVP sa Juniors Division habang Rookie of the Year si Fred Moser.


Almost 5 PM na nag-start ang Women's Volleyball Game na mas exciting para sa amin dahil ang gagaling ng mga players na akala mo mga professional volleyball players. May times na more than a minute na ang pasahan ng bola at talagang grabe na ang kaba ng puso mo kung sino ang makaka-score, at in the end, winner ang Lady Spikers (Red) vs. Lady Warriors (Blue).


Sina Vivoree, Janah Zaplan, Sophie Reyes, Isabel Laohoo, Ai dela Cruz, Lella Ford, Fyang Smith, at Magui Ford kasama ang NXLED Chameleons player na sina Jules Tolentino and Alas Pilipinas’ Niña Ytang, at ang five-time Star Magic All-Star Games MVP na si Analain Salvador as team captain ang bumubuo sa Lady Spikers. 


Ang Lady Warriors naman ay binubuo nina Rain Celmar, Rans Rifol, Leona Andalio, Jas Dudley-Scales, Kolette Madelo, Gillian Vicencio, and Erin Navarro, with captain Reign Parani leading the squad. Kasama nila ang Adamson Lady Falcons player na si Bella Sapienza at Akari Chargers pro Risa Sato. 


Ang anak naman ni Karla Estrada at younger sister ni Daniel Padilla na si Lella Ford ang itinanghal na MVP at na-dethrone niya na si Analain Salvador.


Si Bella ng Lady Warrior ang Best Setter at si Gillian Vicencio ang Best Receiver. 

Ang Mythical Six naman ay sina Reign, Leona, Gillian, Magui, Lella, and Analain. 



Pambato sa volleyball at basketball…

LELLA, DIEGO AT GERALD, MVP SA STAR MAGIC ALL-STAR GAMES



  • Lella ford, Diego Gutierrez at Gerald Anderson - Star Magic
    Lella ford, Diego Gutierrez at Gerald Anderson - Star Magic


Ang daming bumilib kay Lella na magaling daw palang volleyball player, kaya lang may mga narinig kaming comments ng mga katabi namin na napansing parang ‘di proportioned ang katawan nito.


May humirit pang parang pamalo ng dalag ang laki ng mga hita ni Lella na mukhang minana raw nito kay Karla. 


Oh, at least, MVP naman siya at napakinabangan niya ang mabibilog niyang hita at binti.

At kahit ano pang sabihin ng mga bashers, todo-suporta sa kanya si Joaquin Arce na panay ang cheer at proud na proud kay Lella.


Anyway, highlight ng Star Magic All-Star Games 2026 ang laban sa basketball ng Star Magic Shooting Stars na si Gerald ang team captain at ng Thailand's GMMTV na si Way-Ar Sangngern a.k.a. Joss ang team captain. 


Tinambakan ng team nina Gerald, Ronnie Alonte, JM Ibarra, Emilio Daez, River Joseph, Jeremiah Lisbo, Ashton Salvador, Argel Saycon, Elyson De Dios, Young JV, and Tristan Ramirez ang GMMTV Thailand composed of Neo, AJ, JJ, Joss, Gawin, Ryu, Aston, Marc, Ping, and Teshow sa score na 83-53.


Grabe ang reception ng Pinoy fans sa mga Thai actors-players na kalaban nina Gerald. Dumagundong ang MOA sa lakas ng hiyawan sa GMMTV players.


Sa totoo lang, bilang Pilipino, parang nakakainsulto na mas tinitilian pa at sinusuportahan ng Pinoy fans ang Team GMMTV kesa sa Shooting Stars nina Gerald.


Ang nakakaloka pa, tuwang-tuwa ang mga fans ‘pag nakaka-shoot ang GMMTV habang tahimik sila ‘pag team natin ang nakaka-score.


Kaya ‘di kami nakatiis at tinanong ang ilang fans ng GMMTV kung bakit ito ang mas gusto nilang suportahan kesa sa sariling pambato natin.


Ang sagot sa amin, “Mas guwapo kasi ang mga Thai actors na ‘yan lalo na sina Joss at Gawin!”


Pak! ‘Yun naman pala! Marupok talaga ang maraming Pinoy. 

‘Yun na!


Anyway, kahit almost 10 PM na natapos ang All-Star Games 2026, happy kami na wagi ang Team Shooting Stars at proud tayo bilang Pinoy.


Pero wait, sabi ng GMMTV, babawi sila kaya next time, baka ang Team Pinas naman ang dadayo sa Thailand para sa rematch!

Why not?!


Anyway, congrats kay Gerald na MVP pa rin at siyempre sa kanyang buong team na ang huhusay!


Congrats to all the winners!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page