top of page
WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess.jpg

Testigo sa sariling sa trial... Subpoena kay VP Sara, nasa kamay na ng Senado — Palasyo

Writer: BULGAR
BULGAR
23 minutes ago
2 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 10, 2026



Inday Sara Duterte - Senate of the Philippines - FB

Photo: Inday Sara Duterte / Senate of the Philippines / FB



Nasa Senado ang huling pasya kung pagbibigyan ang hiling ng House prosecution panel na ipa-subpoena si Vice President Sara Duterte upang tumestigo sa sarili niyang impeachment trial.


Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro matapos ihayag ng prosekusyon na nais nilang ipaharap sa witness stand ang Bise Presidente upang patotohanan ang kanyang mga pahayag at igiit ang kanyang pagiging inosente.


“Kung ‘yan ang nais ng prosecution at kung papayagan po ito ng Senado, nasa kamay na po ito ng Senado,” ani Castro sa Palace briefing.


“Hindi natin alam kung ito ang right timing for them. But muli, nasa Senado na ang pagpapasya tungkol diyan,” saad niya.


Dagdag pa ng Palace official, ang alegasyon tungkol sa umano’y “bloodbath” ay nagmula mismo sa Bise Presidente, kaya isa ito sa mga dahilan kung bakit nais siyang ipatawag ng prosekusyon upang linawin ang mga isyu.


“Malamang kaya ito hinihiling ng prosecution ay dahil mismo naman ang Bise Presidente ang nagsabi na gusto niya ng isang bloodbath. At sinabi niya rin naman before handa siyang humarap patungkol dito at liwanagin ang mga isyu na ito,” paliwanag pa niya.


Nang tanungin kung sa palagay niya ay dadalo ang Bise Presidente sa sarili nitong impeachment trial sakaling mapadalhan ng subpoena, sinabi ni Castro, “Kung psychologist ako o psychiatrist ako ng Bise Presidente… hindi ko masagot. Hypothetical question.”


Ayon naman kay impeachment court spokesperson Regie Tongol, posibleng magsagawa ng oral arguments ang impeachment court kung hihilingin ng prosecution panel ang pagpapalabas ng subpoena upang pilitin si Duterte na dumalo sa kanyang impeachment trial.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page